"Ay naku, lagi mo na lang akong tinatakot," reklamo ni Lily habang nakasimangot. "Kamusta araw mo, napagod ka ba?""Hindi naman," sagot ni Franco."Gusto mo bang may espesyal kang kainin mamaya?""Wala naman. Kahit ano, okay lang.""Huwag ka nang magtampo, please? Wala talaga, promise," bulong ni Lily sabay yakap sa mister."Ayan na naman, ‘pag nauuto na lang, gagamit ng ultimate move," natatawang sabi ni Franco."E kasi totoo naman!" sagot ni Lily, sabay ngiting-aso at hinalikan sa pisngi si Franco. "Binili ko ng cake paborito mo. Tara, kain tayo."Hinila na niya ang asawa papunta sa kusina.****Makalipas ang ilang sandali, bumaba si Franco mula sa itaas matapos patulugin si Lucy. Kumuha siya ng baso, nilagyan ito ng alak, at lumabas patungong pool area.Bigla namang tumalon si Franco sa tubig."Franco!" gulat na sigaw ni Lily habang umaahon mula sa pool at nakita ang asawa niyang nakatayo sa gilid, nakayuko at nakatitig sa kanya.Sinundan agad iyon ng isang banayad na halik mula kay
Read more