“Ma’am Zoey, nandito na po si Sir Drexell,” sabi ng kasambahay habang lumapit sa hapag-kainan kung saan nakaupo ang dalaga.“Sige, salamat,” tumango si Zoey saka kinuha ang bag at mabilis na tumayo.“Pa’no, aalis ka na ba?” tanong ni Dean sa nakababatang kapatid na nagmamadaling tumungo palabas ng bahay.“Oo, kuya. Una na ako,” sagot ni Zoey na nakangiti.“Mag-ingat ka ha, at ‘wag masyadong makulit,” paalala ni Dean bago ngumiti sa kapatid na sagot naman niya ng paglabas ng dila na parang nang-aasar.Sa loob ng sasakyan…“Hi, Kuya Drexell,” bati ni Zoey sabay ngiti, saka siya nag-seatbelt. “May problema ba?” tanong niya nang mapansing nakatitig sa kanya ang binata na nakangisi.“Bakit ganyan ang suot mo?”“Bakit, bawal ba? Akala ko kasi baka may fieldwork kaya nag-pants na lang ako,” sagot ni Zoey na medyo napangiwi.“Hindi ko naman sinabi na pangit. Nagtatanong lang ako. Bagay nga eh, cute,” sagot ni Drexell bago pinaandar ang sasakyan.Napatingin si Zoey saglit sa kanya bago umiwas n
Read more