“Magkita tayo ulit, ate Lily..” nakangiting wika ni Zoey kay Lily.“Oo, magkita tayo ulit sa susunod.”“O, gutom na ba kayo?” tanong ni Dean kina Drexell at James.“Hindi pa,” sagot ni James bago inangat ang baso ng alak at uminom.“Uuwi na ako, may lakad pa ako,” ani Drexell sabay tayo.“Heh, may lakad kasama si Ciara ba?” biro ni James.“Paano mo nalaman, James?” tanong ni Dean, nagtataka.“Eh kasi yung tropa ko, kaibigan ng tropa niya,” sagot ni James na may kasamang nakakalokong kindat. “’Wag mong pagurin sarili mo, ah. Aga-aga palang, gigil na gigil ka na yata.” Tumayo rin siya. “Sige, sabay na rin akong uuwi. Medyo antok na rin ako.” Dagdag pa ni James.“Oo, sige. Ingat,” tugon ni Dean sabay tingin sa dalawang kaibigang paalis.“O, ikaw naman, bakit nakatitig ka pa diyan? Miss mo na agad siya, ano?” biro ni Dean sa kapatid habang hinahaplos ang ulo nito. “’Wag kang masyadong kumapit sa kanya. Baka kapag nagka-girlfriend siya, iyakan mo lang ako nang iyakan.”Ngumiti si Zoey nang
Read more