Share

CHAPTER 103

Auteur: Piggy.g
“Hmm.” malamig na tugon ni Drexell.

“May inasikaso ka ba rito?” tanong ni Zoey habang bahagyang kinakabahan.

“Hindi. Sinusundo kita.”

“...” Nagitla si Zoey sa narinig.

“Tapos ka na ba?”

“Susunod na po, tapos na.”

“’Tara na,” seryosong sagot ni Drexell sabay hawak sa kamay ni Zoey at hinila ito para sumabay.

“Sandali lang,” pigil ni Zoey, sabay hila sa braso niya. “Magpapaalam muna ako kay Mark.” sabay turo niya sa kaibigan na abala pa rin sa pagpili ng gamit.

Tumango si Drexell at sabay silang lumapit. Napatingin si Mark, halatang nagtaka, saka lumipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

“Uuwi ka na?” tanong ni Mark.

“Oo,” tipid na sagot ni Zoey. “Ikaw, anong oras ka uuwi?”

“Uuwi na rin sana. Gusto mo sab—”

“Hindi na kailangan,” putol agad ni Drexell, malamig ang boses habang nakatitig kay Mark. “Ako na ang magsasabay sa kanya.”

“Hi-hindi na, Mark. Sasabay na lang ako kay Kuya Drexell.” Napangiti si Zoey nang alanganin.

Tumango si Mark. “Oo nga pala, tungkol sa OJT, nakausap ko na ‘y
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 104

    “Hindi ka papasok sa kumpanya ngayon?” tanong ni Zoey habang nakatingin kay Drexell na kanina pa nakatitig sa kanya.“Hindi. Dumaan lang ako para silipin ‘yung site.” sagot ni Drexell, hindi pa rin inaalis ang tingin sa dalaga.“Ano bang iniisip mo, kuya? Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Zoey na bahagyang nakangiti nang makita ang kunot noong ekspresyon nito.“Iniisip ko lang… ang bilis mong tumanda.”“Huh?” tumitig si Zoey sandali kay Drexell. “Hindi naman mabilis, kuya. Para nga sa’kin, ang bagal-bagal ng oras.”“Pero sana mas mabagal pa. Ayoko kasi…”“Ayaw mo? Ayaw mong lumaki ako?” tanong ni Zoey na halos matawa, pinipigil lang ang sarili. “Eh kailangan ko namang mag-mature, diba? Hindi naman pwedeng manatili akong bata habambuhay.”“Ayokong may ibang lalapit sa’yo… kasi seloso ako.” sagot ni Drexell sabay abot ng kamay para haplusin ang buhok ng dalaga.“...”“Bilang nakatatandang kapatid mo… may karapatan akong maging protective, diba?”Ngumiti si Zoey nang marahan. “Oo nam

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 103

    “Hmm.” malamig na tugon ni Drexell.“May inasikaso ka ba rito?” tanong ni Zoey habang bahagyang kinakabahan.“Hindi. Sinusundo kita.”“...” Nagitla si Zoey sa narinig.“Tapos ka na ba?”“Susunod na po, tapos na.”“’Tara na,” seryosong sagot ni Drexell sabay hawak sa kamay ni Zoey at hinila ito para sumabay. “Sandali lang,” pigil ni Zoey, sabay hila sa braso niya. “Magpapaalam muna ako kay Mark.” sabay turo niya sa kaibigan na abala pa rin sa pagpili ng gamit.Tumango si Drexell at sabay silang lumapit. Napatingin si Mark, halatang nagtaka, saka lumipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.“Uuwi ka na?” tanong ni Mark.“Oo,” tipid na sagot ni Zoey. “Ikaw, anong oras ka uuwi?”“Uuwi na rin sana. Gusto mo sab—”“Hindi na kailangan,” putol agad ni Drexell, malamig ang boses habang nakatitig kay Mark. “Ako na ang magsasabay sa kanya.”“Hi-hindi na, Mark. Sasabay na lang ako kay Kuya Drexell.” Napangiti si Zoey nang alanganin.Tumango si Mark. “Oo nga pala, tungkol sa OJT, nakausap ko na ‘y

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 102

    “Ang bango naman n’yan, Ma’am Zoey.” nakangiting sabi ng kasambahay habang pinapanood si Zoey na abala sa pagluluto sa kusina.“Sakto, katatapos lang. Pwedeng tikman mo muna kung may kulang pa sa timpla?” ngumiti si Zoey habang iniaabot ang sandok.“Opo.” mabilis na tango ng kasambahay bago tinikman ang sabaw. “Ang sarap, Ma’am Zoey!”Ngumiti si Zoey at hinubad ang apron. “Pakidala na lang sa mesa, ha? Pero itong isang bowl, para kay Drexell ‘yan.”“Bakit po iba ang sa kanya kaysa sa lahat?” nagtatakang tanong ng kasambahay.“Hindi kasi kumakain ng sibuyas si Kuya Drexell. Mas gusto niya na may mushroom, kaya ginawa ko ng hiwalay.” paliwanag ni Zoey.“Ma’am Zoey, nandito na po si Mark.” tawag ng isa pang kasambahay na kararating lang sa kusina.“Si Mark?” napakunot-noo si Zoey bago nagpunta sa sala. “Oh, anong meron? Ba’t di ka man lang nagsabi?”“Susunduin kita. Hindi mo ba nabasa yung chat ko?” seryosong tanong ni Mark.“Hindi pa ako nakahawak ng cellphone.” sagot ni Zoey. “Bakit mo

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 101

    Tahimik na tumingin si Dean sa kapatid niyang babae bago iwasang tumingin at ilingon ang mukha sa ibang direksyon.“Kuya, nagtatampo ka ba? Huwag ka na magtampo, please…” Malambing na kumapit si Zoey sa braso ng kuya niya. “Kahit may jowa na ako, ikaw pa rin ang pinaka-mahalaga sa akin, Kuya Dean.” biro pa ni Zoey para asarin ang kuya. “Tama na, Zoey.” sagot ni Dean na seryoso ang mukha.“Bakasyon na ba, Zoey?” tanong ni Hanz. “Anong year ka na nga ulit?”“Magfo-fourth year na po ako, Kuya Hanz.”“Ang bilis ha, parang sandali lang, ngayon dalaga ka na.”Ngumiti si Zoey sa binata. “Dito na lang kayo matulog ngayong gabi? Ipaghahanda ko kayo ng kwarto kay yaya.”“Hmm, oo nga. Hindi na rin kakayanin mag-drive, lalo na ‘yang isa, marami na ang nainom na alak, ginawa ba namang tubig.” sabi ni Hanz sabay turo kay Drexell.“Sasabihin ko na lang kay yaya, pero mauuna na po ako. Medyo pagod ako ngayon.” Ngumiti si Zoey kina Hanz at James, tapos lumingon kay Drexell. Pero bigla itong bumuga ng

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 100

    “Ano na Zoey?” tanong ni Dean, sabay bigay ng mahinang ngiti kay Zoey pero kabaligtaran naman ang tingin niya, mabigat at punong-puno ng tensyon.“Uhm…”“Dean, huwag mong i-pressure si Zoey,” sabat ni Ciara, habang hinihimas ang hita ng lalaki para pakalmahin ito. “Hayaan mo muna siya magsalita.”“Hindi ko naman tututulan kung magkaka-boyfriend ka, Zoey. Pero dapat ipakilala mo muna sa amin.”“Eh ‘di ayan na nga, ipinakilala ko na sa inyo,” sagot ni Zoey habang nakangiti nang pilya sa kanyang kapatid. “Okay na ba?”Napangiwi si Dean at lumakad papunta sa sofa, saka pabagsak na naupo sa tabi ni Hanz. “Hindi okay! Mukha siyang playboy!”“Ha? Si Zayn? Playboy?!” tanong ni Zoey, hindi makapaniwala.“Ganyan ang hitsura ng lalaking mapanlinlang,” sabat ni Hanz na tila sineryoso ang tanong, sabay tingin kay Zoey. “So...boyfriend mo talaga siya?”Ngumiti si Zoey kay Hanz, saka tumingin kay Dean na halatang hindi pa rin natutuwa.“Secret,” tugon niya nang may kapilyahan. “Excuse me, puntahan k

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 99

    Nanahimik si Zoey saglit bago siya lumingon sa binatang abala sa pag-set ng gitara. “Simulan na natin ang ensayo?”Tumango si Zayn habang bahagyang ngumiti. “Sige,” sagot niya bago siya lumapit at umupo sa tabi ng dalaga, dala ang gitara.Makalipas ang ilang oras…“Paano ka uuwi?” tanong ni Danny habang umiinom si Zoey sa tabi niya. “Gusto mo ihatid na lang kita?”“Okay lang ako, hindi ba dapat may lakad ka pa?” balik-tanong ni Zoey, sabay ngiti. “Kaya mo na ‘yan. Ako na ang bahala sa sarili ko.”“Sigurado ka? Gusto mo ba tawagan ko si Zayn o si Mark?”“Grabe ka, Danny. Third year na ako, hindi na ako nasa preschool,” biro ni Zoey, sabay tawa. “Sige na, umalis ka na bago ka pa ma-late sa date mo. Kaya ko to.”“O siya, basta update mo ko kapag nakauwi ka na, ha?”“Oo naman.” Tumango si Zoey, bahagyang ngumiti bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang kapatid.“Zoey?” sagot ni Dean sa kabilang linya.“Opo.”“Paano ka uuwi? Gusto mo sunduin na kita?”“Huwag na po, nakakahiya naman,” sago

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status