“Ako’y humihingi ng tawad, Zoey. Nangangako ako, hinding-hindi na kita sasaktan ulit,” ani Drexell habang marahang hinahawakan ang mukha ng dalaga upang mapatingin ito sa kanya.Tahimik lang na nakatitig si Zoey sa kanya.“Noong araw na ‘yon, totoo, pumunta ako kay Ciara. Siya mismo ang nagpadala ng litrato at nagsabi na magpapakamatay siya kung hindi ako pupunta,” paliwanag ni Drexell sabay upo sa gilid ng kama. Hinila niya si Zoey para maupo sa kanyang kandungan, saka isinandal ang mukha sa balikat nito. “Hindi ako mag-isa noon, kasama ko rin si Lucas. Kung hindi mo pa rin ako paniniwalaan, kaya kong kunin ang CCTV footage.”“Wala na akong koneksyon kay Ciara. Tinapos ko na lahat mula nang maging akin ka. Simula noon, ikaw lang ang gusto ko. Wala nang iba,” mariin niyang sabi habang dahan-dahang niyakap ang bewang ng dalaga.“At isa pa, Zoey, hindi mo ako inagaw sa kahit sino. Lahat ng babaeng nakilala ko, alam nila ang lagay namin mula sa umpisa. Wala akong pinangakuan ng seryoso,
Read more