“Hindi pa kumpirmado, pero sabi nila malamang Linggo,” sabi ni Zoey habang inaabot ang ulam para kay Drexell. “Libre ka ba, Drex?”“Wala naman sigurong gagawin,” sagot ni Drexell sabay yuko para kumain ulit.Makalipas ang ilang oras…“Zoey, hindi ko na kaya mag-drive pauwi,” bulong ni Drexell habang nakatingin sa kanya na abala sa laptop. “Pwede ba akong makitulog dito?” Umikot ang tingin ni Zoey at sumimangot. “Huwag mong isipin na hindi kita nahahalata.”“Grabe, akala ko smooth ako,” biro ni Drexell bago biglang humiga sa hita ng dalaga. “Sige na, tulog lang ako dito, please? Sige na, Zoey…”“Matulog lang ha, Drexell. Walang kalokohan,” mariin na sabi ni Zoey. “Tumayo ka muna, kukunin ko ng damit.”“Damit? Bakit may damit ng lalaki dito?” Mabilis na napabalikwas si Drexell, kita ang pagkairita.“Damit ni Dean ‘yon. At huwag mo kong tingnan ng ganyan, hindi ako ikaw,” sagot ni Zoey na malamig ang tono, sabay pasok sa kwarto.“Zoey! Ano ba? Hindi mo pa rin ba ako pinagkakatiwalaan?” r
Read more