Kate Sumilay ang ngiti sa labi ko nang pagbukas ko ng pinto ng condo ko ay ang gwapong mukha ni Trey ang nakita ko. At mas lalong pang lumawak ang ngiti sa aking labi nang may inabot siyang isang bugkos na bulaklak sa akin. Nakangiting tinanggap ko naman iyon. Hindi ko nga din napigilan na dalhin sa aking ilong ang bulaklak para amuyin. "Ngayon mo lang ako binigyan ng bulaklak, Trey," komento ko sa kanya nang sulyapan ko siya. "Why? Do you like flowers?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. "So, from now on, I’ll be the one giving you flowers,” wika niya sa akin. Ngumiti lang naman ako bilang sagot. Pagkatapos niyon ay niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto para papasukin siya. "Maaga ang dating mo, hindi pa ako tapos na magluto," wika ko sa kanya. Sinabi kasi ni Trey na gusto niyang pumunta sa condo ko. Sinabi ko naman na ipagluluto ko siya ng dinner. "Mas maaga, mas maganda," sagot naman niya sa akin. "Maupi ka muna, Trey," mayamaya ay wika ko, inil
Huling Na-update : 2025-10-29 Magbasa pa