Sa maagang umaga ng Lunes, pumasok si Natasha sa malaking bahay na tila walang iniwan sa kanya ang kagabi. Magaan ang yabag niya pero may bahid ng pangungusap na hindi masabi sa labi. “Ngayon ka lang na-late ng pasok, Natasha. Mukhang nag-enjoy ka sa party na pinuntahan mo,” wika ni Mr. Albert, na nakaupo sa mahabang mesa, nakangiti habang pinagmamasdan siya. Napakamot ng ulo si Natasha at pilit na ngumiti. “Oo nga po. Nag-enjoy talaga ako nang bongga kagabi. May kainan kasing naganap.” Kumunot ang noo ng matanda. “Kainang naganap?” Tumango siya. “Opo, Sir.” Mahina itong natawa. “Of course, Natasha! May kainan talagang magaganap doon dahil birthday party iyon. Mukhang marami ka yatang nakain dahil masaya ka. Nakikita ko sa mukha mo.” Ngumisi si Natasha, bahagyang natawa. Sa loob-loob niya, 'Kung alam mo lang, Sir, hindi lang cake at pancit ang pinagpyestahan kagabi.' “Syempre, Sir… ako ang kinain,” mahinang bulong niya habang inaayos ang trays. Napataas ang kilay ni Albert. “H
Last Updated : 2025-08-15 Read more