Mabilis ang paglipas ng isang linggo, at sa bawat araw na iyon, hindi mapigilan ni Natasha ang mapansin ang malaking pagbabago sa ugali ng kanyang asawa. Kung dati, ang tanging alam niya kay Ezekiel ay ang pagiging malupit, suplado, at tila walang pakialam sa kanya, ngayon ay para bang may kakaibang kabaitan na bumabalot dito. Noong una, inisip niyang baka guni-guni lamang niya iyon. Ngunit habang tumatagal, paulit-ulit na ipinaparamdam ng lalaki na may nagbago nga. Tuwing papasok siya sa opisina, naroon na si Ezekiel, naghihintay, at tila ba sinasadya nitong makasabay siya sa elevator. Madalas pa nga, dala nito ang paborito niyang kape—isang bagay na kailanman ay hindi niya naisip na gagawin ng kanyang boss, lalo na ng lalaking ito na ilang ulit na ring sumigaw sa kanya dahil sa mga pagkakamali sa trabaho. At higit sa lahat, ramdam niya ang tingin ni Ezekiel. Hindi iyon basta titig ng amo sa sekretarya, kundi parang may lambing, may pag-aalala, at minsan, may hindi maipaliwanag na
Last Updated : 2025-08-18 Read more