Tatlong araw ang lumipas mula sa gabing iyon sa kusina. Parang walang nangyari kung pagbabasehan ang katahimikan sa opisina, pero sa bawat paghinga ni Natasha at bawat pagkilos ni Ezekiel, ramdam ang bigat na nakalutang sa pagitan nila.Tahimik lang si Natasha sa mesa niya, abala sa pag-aayos ng mga papeles, sa pagbubukas ng mga email, at sa pagtanggap ng tawag para sa CEO. Kahit isang sulyap man lang ay hindi niya iniintindi ang binata. Pero sa loob-loob niya, dama niya ang matalim na presensya ni Ezekiel—laging nakatanaw, laging nakabantay.Ang mesa ni Ezekiel ay hindi naman ganoon kalayo mula sa kanya. Sa tuwing nag-aangat siya ng mukha para ibigay ang dokumento o ipaalala ang meeting, halos ilang hakbang lang ang pagitan nila. At sa bawat ganoong pagkakataon, nahuhuli niyang nakatitig sa kanya ang binata, parang may gustong sabihin, pero pinipiling manahimik.“Mr. Ford, narito na po ang summary report ng finance team para sa quarter,” malamig na sambit ni Natasha, iniabot ang fold
Last Updated : 2025-08-17 Read more