KATRINA Anim na buwan na akong nagtatrabaho sa Del Riego Group ngunit hindi pa rin ibinibigay sa akin ni Jonas ang kumpanya ni Daniel hanggang ngayon. Biyernes ngayon at nagbibihis na ako sa kwarto ko ng kumatok si Bernard. “Tapos ka na magbihis, Mahal?” tanong niya sa akin. “Uhm, Bernard, hindi ako papasok ngayon. Nagpaalam na ako kay Jonas.” “Huh? Bakit?” tanong niya habang lumalapit sa akin. “Uhm, luluwas kasi ako ng Maynila, may kailangan akong asikasuhin doon.”“Ngayon ka na aalis?”“Oo.”“Teka, bakit parang biglaan naman ata?” “Sobrang busy kasi natin lately eh, hindi na ako nakapagsabi.” “Ah oh sige, uhm.. Teka, sasamahan kita. Magpapaalam lang ako kay kuya.” “Uhm, hindi na Bernard, babalik din naman ako kaagad. Dalawang araw lang naman ako doon.” saad ko at kinuha na ang bag ko. “Alam na ba ni Cassandra ‘to?” “Sasabihn ko palang.” saad ko at kinuha ang isang malaking shoulder bag. “Ako na magbubuhat.” saad ni Bernard ngunit nakababa na ako bago niya pa kunin ang ba
Last Updated : 2025-09-26 Read more