KATRINA “Goodluck Mommy, kaya mo yan! Go!” saad ni Cassandra na tuwang-tuwa habang nagba-bye-bye sa akin. Ito ang unang araw ko sa trabaho sa Del Riego Group. I can't believe that I’m actually living again, pagkatapos ng mahabang pagkakatulog ko. “Magandang araw ho, Ma’am Katrina, ako po ang magmamaneho sa inyo ngayon, inutusan ho ako ni Sir Jonas.” saad sa akin ni Mang Javier. “Mang Javier, kamusta ka?” “Okay naman ho Ma’am masaya po ako na nakabalik na kayo dito sa Hacienda.” saad niya sabay giya sa akin papasok ng kotse. “Masaya din ako na nakabalik ako dito.” Umupo na siya sa driver's seat at saka nagsimulang magmaneho. “Grabe, walang pinagbago ang hitsura ninyo Ma’am, ganon pa rin kayo nung huli ko kayong nakita, parang hindi ho kayo tumanda at mas gumanda pa ho kayo ngayon.” “Ikaw rin naman Mang Javier, mukhang bagets ka pa din!” biro ko sa kanya. “Naku at minsan nga ay nirarayuma na ako.” saad niya. Ngumiti nalang ako. Nang makarating ako sa Del Riego Group
Huling Na-update : 2025-09-21 Magbasa pa