Nilantakan niya ang mga pagkain habang nag eenjoy ang iba. Halos hindi siya makahinga sa sobrang busog ng umahon ang iba. “Hindi ka ba marunong lumangoy?” Tanong ni Denson. “Wag kang mag alala, baby kulot ko, ako ang bahala sayo… magaling kaya ‘to!” Pagyayabang nito. “No, thanks. Mas gusto kong kumain kaysa lumangoy.” Pagsisinungaling niya. “Sige na, my lab… kam on en lets go!” Pangungulit nito. “My lab? Baby kulot? Kayo na ba? Kailan pa?” Usisa nila Derya. Nagkantiyawan ang mga ito ng kumindat si Denson sa kanya. “Malapit na… diba my lab?” “Ewan ko sayo… ang kulit mo!” Tumayo siya at pinagpag ang suot na palda. Kinuha naman si Denson ang tsinelas niya na nahubad niya at sinuot sa kanya. Lalong lumakas ang kantiyawan sa kanila. Mayabang na tumayo ito at nag pogi sign pa. Ang kulit talaga! Kumuha siya ng saging at inis na sumubo. Pagpihit niya paharap ay nakita niya ang tito ni Carrie na parating kasama ang kaibigan nito. Muntik niyang malunok ang saging ng maalala a
Read More