“BYE, DOC, balik ulit kayo dito!” Paalam nila kay Doc Gavin. Magsisimula na si Doc Lenard bilang beterinaryo sa rancho. Magkatabi lang ang kwarto nila ni Doc Lenard kaya siya na ang naghatid sa kwarto nito. Habang binabaybay ang daan ay nagkwentuhan sila. Lima pala silang magkakapatid, pangatlo ito at pangalawa naman si Doc Gavin. Magaan ito kausap at hindi mayabang. Kaya agad niya itong nakapalagayan ng loob “Thanks, Mira. Sabi ko naman sa’yo Lenard na lang. Mas maganda pakinggan, tunog kaibigan lang.” May ngiting wika nito. “Doc, I mean, Lenard. Paano mo nagagawa ‘yan? Ang galing mong makisama. Ang dali mong maka adjust. Ako kasi noon hirap. Pero pagdating sayo ang dali lang. May special training ba para do’n?” Bilib niyang tanong. Tumawa ito. “Hindi mo kailangan ng special training para makuha ang loob ng mga tao o makisama. Kailangan mo lang matutong umunawa.” Ginulo nito ang buhok niya. “Mukhang hindi mo na kailangan ng special training. Nakikita kong mabuting tao ka. Isa
Terakhir Diperbarui : 2025-10-22 Baca selengkapnya