Simula ng araw na iyon ay wala ng pumansin sa kanya, iniiwasan siya ng lahat maliban kay Aling Juanita na tinuturuan pa rin siya. Baka kung hindi niya kailangan matuto ay baka iniwasan na rin siya nito. Tumingin siya sa mga ito na abalang kumakain. Nandito siya ngayon sa isang puno ng bayabas at nakaupo mag isa. Wala siyang kasama bukod sa mga pato at mga pabo na pagala-gala. Noong una nag iinarte pa siya na kumain ng kung ano-ano. Ngayon ay narito siya habang mangiyak-ngiyak na kumakain ng bayabas at kung ano-anong bunga ng puno. Wala naman siyang pera kaya hindi siya makabili ng makakain. Saka wala din malapit na store dito. Kaya kahit may pera siya ay wala din ‘yon silbi. Nang sabihin ng tito ni Carrie na hayaan siyang magutom, wala ng nag alok sa kanya. Sinunod ito ng lahat. Sabagay, kasalanan naman niya kung magbago man ang trato sa kanya. Mapagmataas siya at masama ang ugali. Tama ang mommy niya, masyado siyang na-spoiled, hindi na siya marunong makipagkapwa tao. “Maruno
Read More