Hindi mapigilang maluha ni Aiah habang pinagmamasdan sina Prime at Miracle na sumasayaw sa gitna. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng asawang si Noah mula sa likuran. “Do you remember our first dance?” May ngiting sumilay sa kanyang labi ng maalala ang unang sayaw nilang dalawa. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang alaala ang unang beses na sinayaw siya ni Noah. “Yes, malinaw na malinaw.” Lahat ng memories nilang mag asawa, masaya man, o mahirap ay hindi nawala sa isip niya, kahit matanda na sila. Parang kailan lang ng magkakilala sila at ikinasal, nangako na mamahalin ang isa’t isa at magiging maligaya. Nag init ang sulok ng mata niya ng maalala ang panganay nilang anak. “Shhh, tahan na. Hindi mawawala ang anak natin, magkakaroon lang siya ng sariling pamilya.” Alo ni Noah sa kanya. “Alam ko. Naiiyak lang ako dahil tuluyan na siyang mawawala sa poder natin. Wala sa hinagap ko na darating ang araw na magseseryoso siya sa pag aasawa at magmamahal ng totoo.” Pinat
Last Updated : 2025-11-26 Read more