TUMINGALA siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakailang retouch na rin kasi ang make up artist sa kanya. Nakakahiya naman kung ipapaulit pa ang makeup niya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. Blooming siya. "Ang ganda mo, iha." Puri ng mommy ni Noah na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si daddy Nickolas. "Tama si madam, ate Aiah, ang ganda niyo po lalo!" Puri ni Junior. Imbitado kasi ang pamilya nito sa malaking okasyon sa buhay nila. Ngumiti siya sa mga ito. "Syempre maganda si ate Aiah, magugustuhan mo ba ako at ng kuya mo kung hindi?” Biro niya. Bumusangot ito. “Panira talaga si kuya Noah ng diskarte. Inagawan pa ako ng bride!” Ginulo ni mommy Catherina ang buhok nito. “Kay Sunny ka na lang.” Namutla si Junior, at sa isang kisapmata ay naglaho ito bigla. Kaya natawa kami ni mommy Catherina. Lahat na lang ng nakakarinig sa pangalan ni Sunn
Huling Na-update : 2025-10-01 Magbasa pa