Share

Kabanata:57

Penulis: Miss Jesszz
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-02 09:34:42

(Felicie POV)

Masakit ang kanyang ulo nang magising siya. Nahilot pa niya ang kanyang sentido nang maramdaman ang pagkahilo dala ng hang-over. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang ginawa niyang pag-inom sa birthday party ni Brelle kagabi.

Agad na dumako ang kanyang tingin sa kaliwang bahagi ng kama. Wala na doon si Calex. Muli ay ibinagsak niya ang sariling katawan sa kama. Ngunit hindi pa tumatagal ang kanyang paghiga nang maalala niya ang suot niyang casual dress kagabi. Napatingin siya sa kanyang katawan. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya na isang v-neck white t-shirt na ang kanyang suot, habang pajama naman ang pang-ibaba.

Sa pagkakatanda at malinaw pa sa kanya na nasukahan niya ang suot na dress kagabi.

"Sino ang nagpalit sa akin?!" tanong niya sa sarili. Naitutop niya ang sariling mga daliri sa labi at pabalikwas na bumangon mula sa pagkakahiga.

Bukod kasi sa mga lalaking bantay ng bahay, sila lang ni Calex ang naroroon. Wala itong babae na puwedeng utusan,
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:59

    “Di ba pwedeng araw-araw na lang?” Tila batang pagkakasabi nito sa kanya. “Ngayon lang kasi pagod ka.” “Bakit? Araw-araw naman akong pagod, ah,” sagot nito na mapupungay pa rin ang mga matang nakatingin sa kanya. Di siya umimik sa sinabi nito. Binawi niya ang kanyang kamay saka ipinagpatuloy ang pagmamasahe sa ulo nito. Muli ay napapikit ito. “Ah! It’s so relaxing, honey,” saad nito na kung minsan ay mariin pang napapapikit sa bawat paghagod ng kanyang mga kamay. “Diyan, Hon! Kaunting diin pa. Oh!” Daing nito sa bawat pagmasahe niya. Alam niyang dahil iyon sa ginagawa niya, ngunit hindi niya maiwasang isipin na para bang sinasadya nito ang tono. Lalo na at may halong sensual ang pagkakasabi nito. Bahagya niya itong tinapik sa balikat. “What?” nagtataka pa nitong tanong sa kanya. “Boses mo. Mamaya, dinig nina Lester yang mga pinagsasasabi mo.” Saway niya dito na nakataas na ang mga kilay. Muli ay nagmulat ito ng mata saka siya nilingon. Pilyong ngumiti pa ito sa kanya. “Anon

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:58

    Napa-iling na lang si Felicie habang tinitikman ang nilulutong chicken caldereta. Hindi niya alam kung okay na ba ang lasa noon. Marunong naman siya magluto, pero lutong-probinsya lang ang alam niya. Hindi naman kasi siya sanay sa mga pasosyal na putahe. “Ano pa bang kulang?” aniya nang muling tikman ang niluluto. Teka lang, bakit ba siya natataranta gayong si Calex lang naman ang kanyang ipinagluluto? Hindi naman ito ang unang beses na nagluto siya. At hindi rin naman ito ang unang beses na kakain si Calex ng niluto niya. Araw-araw nga ay luto niya ang kinakain ng asawa. Pero heto siya ngayon at aligaga nang tawagan siya nito at mag-request ng chicken caldereta. Ano bang nangyayari sa kanya? Napabuga siya ng hangin at ikinalma ang sarili. Baka lalo pang mapornada ang kanyang pagluluto dahil sa tarantang nararamdaman. Saktong natapos siya at handa nang ilapag ang pagkain sa hapag nang marinig niya ang biglang pagbukas ng malaking pintuan. Para bang tumalon ang puso niya nang makita

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:57

    (Felicie POV)Masakit ang kanyang ulo nang magising siya. Nahilot pa niya ang kanyang sentido nang maramdaman ang pagkahilo dala ng hang-over. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang ginawa niyang pag-inom sa birthday party ni Brelle kagabi.Agad na dumako ang kanyang tingin sa kaliwang bahagi ng kama. Wala na doon si Calex. Muli ay ibinagsak niya ang sariling katawan sa kama. Ngunit hindi pa tumatagal ang kanyang paghiga nang maalala niya ang suot niyang casual dress kagabi. Napatingin siya sa kanyang katawan. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya na isang v-neck white t-shirt na ang kanyang suot, habang pajama naman ang pang-ibaba.Sa pagkakatanda at malinaw pa sa kanya na nasukahan niya ang suot na dress kagabi."Sino ang nagpalit sa akin?!" tanong niya sa sarili. Naitutop niya ang sariling mga daliri sa labi at pabalikwas na bumangon mula sa pagkakahiga.Bukod kasi sa mga lalaking bantay ng bahay, sila lang ni Calex ang naroroon. Wala itong babae na puwedeng utusan,

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:56

    Napabuga siya ng hangin at lihim na napamura. Bigla siyang napatigil sa pagmamaneho nang makita niyang tila masusuka ito. Agad niyang binuksan ang bintana ng sasakyan para dito. Ngunit imbes na idungaw nito ang sariling ulo sa binuksang bintana, lumabas pa ito. Kaya naman ay nagmadali din siyang bumaba ng kotse. Muntik pa itong mapasubsob habang isinusuka ang nainom kanina. Kung hindi lang naging mabilis ang kanyang kilos, malamang nasa kanal na ngayon ang kanyang asawa. Napabuntong-hininga siya. Mukhang nagkamali siya nang hinayaan niyang makipag-inuman ito. "Are you okay?" may pag-aalala sa boses na tanong niya rito, sabay marahang hagod sa likod nito. Hindi pa man ito nakakasagot sa tanong niya nang muli na namang sumuka. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Imbis kasi na sa lupa ito sumuka, ay sa suot pa talaga niyang suit. "Oh, great," ani niya at napakamot sa sariling batok. Hinubad niya ang suot-suot na coat. "S-sorry… h-hayaan mo, l-labhan ko na lang," sabi sa kanya ni Fel

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:55

    "Happy birthday, Brelle," sabi nito at saka niyakap si Brelle. Mabuti na lang at nanatili sa kanilang table si Luke at Brelle. Kahit papaano ay may nakakausap na siya. Masaya siyang nakipag-kwentuhan kay Brelle, habang si Calex naman ay abala rin sa pakikipag-kwentuhan kay Luke. Maya-maya pa ay hinawakan ni Brelle ang kanyang kamay. "Calex, pwede bang hiramin ko muna itong maganda mong asawa? Gusto ko lang siyang ipakilala sa mga friends ko." Nakangiting pagpapaalam ni Brelle dito. Saglit siyang tinitigan ni Calex at saka tahimik na tumango lamang kay Brelle. Agad naman siyang hinila ni Brelle. Bago pa man siya tuluyang makalayo sa table nila ay dinig pa niya ang malalim na buntong-hininga ni Calex. Isa-isa niyang nakilala ang mga kaibigan ni Brelle na may sinasabi rin sa buhay. Noong una ay pagkailang ang kanyang naramdaman habang nakikipag-usap sa mga ito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng pagkailang kung ang mga taong nakapaligid sa’yo ay mga sosyal at mayayaman? Hind

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:54

    (Felicie’s P.O.V.) Napasinghap siya nang hapitin ni Calex ang kanyang baywang. Hindi niya inaasahan na aakbayan siya nito lalo pa sa harap ng karamihan ng tao. Muli ay bumilis ang pintig ng kanyang puso. Parang mga nagkakarerang kabayo sa bilis ng pagtibok noon. "’Ano ba, yang kamay mo!" asik niyang reklamo, sabay irap dito. Ngunit hindi siya nito pinansin, bagkus ay naramdaman niyang mas lalo pang humigpit ang pagkakapulupot ng mga braso nito sa kanyang baywang. "Next time, ’wag kang makipag-usap sa mga taong hindi mo kilala," seryoso nitong sabi sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad, at maging ito man ay huminto rin. Sinamaan niya ito ng tingin. Pambihira talaga ang isang ’to, kahit pakikipag-usap ko sa ibang tao, isyu pa rin sa kanya. Gusto na tuloy niyang isipin na nagseselos ito. Pero imposible. Sa tipo ni Calex, hindi siya ang taong magseselos ng basta-basta. Lalo pa at wala naman itong nararamdaman para sa kanya. Parang kinurot ang puso niya sa katotohanang iyon. Hanggang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status