BACK TO PRESENT Samantha's Point of View “Sam, please. Pakinggan mo ako. Hayaan mo akong magpaliwanag,” pagmamakaawa ulit sa akin ni Jefferson. Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, akala ko'y okay na ako. Pero ngayong nandito siya at nagmamakaawang pakinggan ko, muling nanumbalik ang lahat ng sakit. Na parang kahapon lang iniwan niya akong humahagulhol sa may ilog—tinatawag at nagmamakaawa sa kaniya na huwag akong iwan. “A-alam mo bang halos mabaliw ako no'n?” tanong ko rito, umiiyak habang sunod-sunod ang malalim na paghinga. “Ilang araw pa lang iyon nang iwan kami ni nanay. Tapos ilang araw lang ang lumipas, iniwan mo rin ako.” Unti-unting nawalan ng higpit ang pagkakayakap nito hanggang sa tuluyan ako nitong pinakawalan. “Akala ko no'n okay tayo,” mariin kong sabi at dahan-dahang nilingon ito. “Kasi 'yon 'yong sinasabi ng kilos, pananalita, at mga mata mo. Iyon ang ipinaniwala mo.” Muli akong huminga nang malalim at pinunasan ang aking luha. “Siguro mahal na mahal lang
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-15 อ่านเพิ่มเติม