Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa. Na-a-appreciate ko po ang lahat ng ito. Suportahan niyo po ako sa pamamagitan ng pag-add ng story sa inyong library (subscribe), pagbibigay ng komento, at pagbigay ng gifts.
Walter's Point of ViewAs promised, I showed up at Samantha's house in the morning. I really don't know how this works because I haven't done this before—not even once. I never courted anyone and in my younger years, it's more of going out together for a week and suddenly we'd just reach the point then we're officially in a relationship. Since I don't know much about this, nagtanong nalang ako kay Sid at binigyan din ako nito ng videos para magka-idea ako ng puwedeng gawin at dalhin. I'm willing to do everything, except for harana. Lahat na siguro ibinigay sa akin ng Diyos maliban sa talento sa pagkanta.Sa totoo lang, parang madali lang naman pala ang manligaw. All you need is courage. I never texted or informed Samantha that I was already on my way. I wanted to surprise her, but since she knew that I had one word, she might have already expected me.Kumatok ako nang tatlong beses sa pinto nila. Mayamaya pa, bumukas iyon at ang mukha ng bagong gising nitong kapatid ang sumalubong sa
Samantha's Point of ViewNagkasalubong kami ni tatay nang lumabas ako ng aking kuwarto. Pilit akong ngumiti nang mangunot ang noo nito habang mabusisi nitong tinitingnan ang suot ko.Wala namang espeyal o wow factor sa suot ko. Isang A-line yellow dress na may puff sleeves at binagayan ko iyon ng gintong kuwintas. Isa ang kuwintas na ito sa binili ni Walter sa akin maliban sa ruby necklace na siyang ginamit ko sa wedding anniversary celebration ng magulang niya.“Kaya pala hindi ka kumain kanina,” komento nito, napapatango pa. “Sino ang kasama mo?”Mahina akong napatikhim. “Si . . . Sir Walter, ‘Tay.”Wala itong reaksyon nang sambitin ko ang pangalan ni Walter. Mayamaya pa, pareho kaming napasulyap sa labas nang marinig ang papahintong sasakyan.“Mauna na ako, ‘Tay. Baka pumasok pa 'yon dito,” wika ko naman at natawa pa.Nanatili lang seryoso ang mukha ni tatay. “Sige, mag-ingat kayo, ha? Sabihan mo si Erwin kung pauwi ka na mamaya para hindi ako mag-aalala.”Si Erwin naman na galing
Samantha's Point of View Hindi ako pumayag sa dinner date invitation ni Walter ngayong gabi dahil nauna akong maka-oo sa imbitasyon ni Jefferson. Hindi ito isang date—mag-uusap lang talaga kami. Naglalakad ako ngayon papunta sa dati naming tagpuan. Bukod sa malapit lang iyon sa amin, mas makabubuti kung hindi kami magsasabay na pupunta roon dahil hindi ko naman alam ang tumatakbo sa utak ni Walter. Baka may inutusan itong tingnan ang galaw ko lalo na at hindi ako pumayag sa imbitasyon niya. Nakapasok sa loob ng bulsa ng hoodie jacket na suot ko ang aking mga kamay. Nakikita ko na ang nakatalikod na katawan ni Jefferson habang nakaupo ito sa may bench. Maliwanag ang buwan ngayong gabi kung kaya'y kitang-kita pa rin ang ganda ng ilog. Huminga ako nang malalim matapos ang ilang hakbang palapit sa kaniya. “Jefferson,” tawag ko rito dahilan para mapalingon ito sa akin. Napangiti naman ito kaagad nang makita ako. Napatayo siya at bago pa ito humakbang palapit sa akin, nauna na akong lu
Walter's Point of View Kahahatid ko lang kay Samantha nang maalala kong may nakalimutan pala akong bilhin. Mabuti na lang at hindi pa ako pauwi kung kaya'y dumaan muna ako sa isang supermarket. Maraming tao nang pumasok ako at napakahaba rin ng pila. The only good thing here is that I won't be going against a huge number of people dahil hindi naman consumable ng tao ang bibilhin ko. I need to buy premium dog food for the puppy that I saved last month. Umiihi ako no'n sa gilid ng kalsada nang makarinig ako ng pag-iyak ng tuta. Mukhang itinapon iyon doon ng may-ari. I felt the need to adopt the puppy after seeing it helplessly cry for my grace. Kaagad akong nagtungo sa section kung saan iyon makikita. Mayamaya pa, nakita ko na ito at habang nakapokus ang tingin ko rito, napansin kong may parang papalapit din dito—ang katawan lang nito ang nakita ko, hindi ang mukha. Kahit na ilang hakbang pa ang layo ko, inabot ko iyon para mahawakan lalo na't isa na lang iyon. Marahil ay isang segun
Samantha Point of View Hinatid nga ako ni Walter sa amin at kinabukasan ay sinundo na naman ako nito. Hindi ako nagtanong kay tatay kung hinatid ni Jefferson si Erwin no'ng umagang iyon dahil maaga akong sinundo ni Walter. Ngayon ay pauwi na ako sa bahay—nakasakay sa sasakyan ni Walter. Pangatlong sunod-sunod na gabing hinahatid na ako nito. Nakakahinga ako nang maluwag sa tuwing nakikita kong walang naka-park na sasakyan sa tapat namin dahil ibig sabihin no'n, wala si Jefferson. Ayaw kong makita nitong hinahatid ako ni Walter dahil alam kong malulungkot ito. Wala naman akong dapat pakialam at hindi ko na problema kung ano man ang maramdaman nito pero kahit papaano ay naawa ako rito sa tuwing naiisip kong nasasaktan ito. Jefferson wants me back, iyon ang totoo. Ako lang naman ang hindi ito binibigyan ng pagkakataon. “You think these are already enough?” tanong ni Walter sa akin at itinuro ang mga pinamili nito na nasa likuran namin. “Kahit nga wala na. Ikaw lang naman itong mapilit
Samantha's Point of View Muli na namang napahinto ang sasakyan ni Walter pero this time, kilalang-kilala ko ang puwestong pinaghintuan—coffee shop ni Valerie. Naunang lumabas si Walter at pinagbuksan ako nito ng pinto. Pagkatapos no'n ay sabay kaming naglakad papasok sa loob ng coffee shop. May mangilan-ngilan ding customers ngayon. Kaagad kong nakita si Valerie na nakaupo sa pinakamalapit na puwesto mula sa may counter. Nakaharap ito sa labas kung kaya'y nakilala ko ito kaagad. Abala itong nakikipag-usap, kilig na kilig na dahil namumula ang mga pisngi nito at kulang na lang ay maghugis puso ang kaniyang mga mata. Kahit nakatalikod ang kausap nito, kilalang-kilala ko ito—lalo na ni Walter. Si Sid. Kumaway lang sa akin si Valerie, napangiti at muling ibinaling ang mga mata sa kausap, bagay na hindi niya ginagawa kapag nakikita ako. Ngunit nanlaki ang mga mata nito nang mapagtantong ako pala ang kaniyang kinawayan kung kaya'y muli itong napasulyap sa akin. Napanganga rin siya nang