Third Person's POV"Hindi naman sa tutol kami sa kung ano man ang desisyon ni Xavier," anas ni Mr. Harry. "But Ms. Diaz is his personal assistant. Sa tingin ko ay hindi magandang image 'yon lalo na at unti-unti nang lumalago ang kompanyang ito. Baka kung ano ang isipin ng mga kliyente at ng mga business partners natin."Nagsalita si Mr. Nathan. "Some of our business partners hate the idea of the employers having a relationship with their employees. Alam ni Xavier 'yon at kung tutuusin ay siya pa nga mismo ang sumang-ayon sa ideyang iyon. Other than that, hindi ba't gumawa siya ng rules sa kompanya 'to tungkol doon?"Sa sinabing iyon ni Mr. Nathan ay agad na napuno ng bulungan ang buong conference room.Samantala, sa kabila ng ingay nilang iyon ay nananahimik lamang ang mag-asawang Iglesias. Agad silang nagkatinginan nang marinig nila ang iba pang saloobin ng kanilang mga kasamahan tungkol sa balitang panliligaw ng kanilang anak sa assistant nito."How about tanggalin sa kompanyang 'to
Last Updated : 2025-12-26 Read more