“Hey, I told you na ihahatid kita,” napasulyap na si Alyana sa likod niya nang marinig na ulit niya ang boses ni Ron sa likod niya. May bahid ng pag-aalala ang tono nito kahit pa sinusubukan niyang gawing magaan ang dating.“Ang tigas ng ulo,” umiiling na sambit pa ni Ron, pero may munting buntot ng ngiti sa labi niya, yung ngiting hindi niya napigilan kahit halata ang pag-aalala. “But that's fine, kaya nga gusto kita,” mahinang sambit pa ni Ron, halos parang pahapyaw lang, na hindi gaanong narinig ni Alyana at tila sinadya ring huwag iparinig nang buo.Bahagyang natigilan si Alyana, parang nagising mula sa malalim na pag-iisip, na para bang biglang may humila sa kanya pabalik sa kasalukuyan.Ramdam niya ang biglang pagbigat ng dibdib, isang pakiramdam na hindi niya agad maipaliwanag.Saglit siyang napapikit, huminga nang marahan, pinipilit pakalmahin ang sarili, bago tuluyang kagatin ang labi, isang pamilyar na kilos tuwing may pilit siyang nilulunok na emosyon, tuwing may mga salitan
Read more