Pagdating sa motor ay agad na kinuha ni Alyana ang helmet at siya na mismo ang nagsuot.Medyo nanginginig ang mga kamay niya, pero pilit niyang kinokontrol ang galaw, ayaw magpakita ng kahinaan.Maingat pero mabilis ang kilos niya, halos minamadali ang sarili, parang gusto na lang talagang matapos ang lahat, ang gabi, ang tensyon, at ang presensyang ayaw na niyang maramdaman.All Ron did was watch her, silently, intently, as if memorizing the moment.Habang si Gabriel naman ay nakatitig lang, staring at Alyana and her boss darkly. Hindi niya inalis ang tingin niya kahit sandali, parang ayaw niyang palampasin kahit isang galaw.Mapaso ang palad niya sa biglang pagkuyom ng kamao, lalo na’t hawak niya pa ang sigarilyong may sindi. Ramdam niya ang hapdi, pero hindi siya kumurap.Hindi niya namalayang masyado na niya itong napisil hanggang sa halos maubos ang usok sa mismong palad niya, ramdam ang hapdi na parang nagpapaalala sa kanya ng sakit na matagal na niyang kinikimkim...kasabay ng un
Read more