Ramdam niya ang tensyon sa katawan ng lalaki, ang bigat ng galit na pilit nitong ikinukubli.Ngunit sa halip na humupa, dahil sa ginawa ni Alyana ay mas lalo lamang umigting ang panga ni Gabriel. Mariin nitong tiningnan si Ron, ang mga mata’y malamig at mapanghamon, na para bang isang maling galaw lang ay ito na ang mauunang sasabog.“Why are you mad?” tanong ni Gabriel, kunwa’y inosente. “Kung maglalandian kayo, huwag sa harap ng customer—” dugtong niya, may diin at panunulsol sa bawat salita.“Mr. Montenegro,” mabilis na sumabat si Alyana, pigil na pigil ang sarili na huwag sumigaw. Nanginginig ang boses niya, hindi sa takot kundi sa pagpipigil. Pigil na pigil na siya na huwag itong bulyawan.Nang mabanggit niya ang apelyido nito, napasulyap si Gabriel sa asawa niya at saka binasa ang labi, kitang-kita ang iritasyon sa bawat linya ng mukha nito. Para bang bawat galaw ni Alyana ay tinitimbang ni Gabriel, bawat hininga ay sinusukat, at bawat salita ay may kaakibat na babala.Pero ganoo
Read more