Neil’s POV Nagising ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Ella. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaba. Agad akong bumangon at tiningnan siya. Nanginginig ang buong katawan niya, pawis na pawis, at ramdam ko ang init na dumadampi sa braso ko. Nakapikit pa rin ang mga mata niya, parang may kinatatakutan. “Ella… gising, baby. Nandito ako,” paulit-ulit kong bulong habang niyayakap siya. Pilit kong ginigising, banayad kong tinatapik ang pisngi niya hanggang sa dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Takot na takot ang itsura niya, agad siyang kumapit sa akin. “Neil… please, don’t let them hurt me. Don’t let them lock me again,” nanginginig niyang sabi, halos hindi na maintindihan dahil sa pag-iyak. “Shh… no one’s going to hurt you anymore. I’m here. You’re safe with me, Ella,” sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili para hindi siya lalong kabahan. Bigla siyang kumalas at tumakbo papuntang banyo. Sumuka siya nang sunod-sunod habang nakahawak sa inidoro. Agad akong sumunod
Last Updated : 2025-09-25 Read more