Ella’s POV Hindi ko akalain na ganito kabilis kumalat ang balita. Ilang araw lang ang lumipas mula nang dumating sina Rowan at Cassandra sa opisina ko, at ngayon, lahat ng social media platforms, pati mga business groups na konektado sa amin, pinag-uusapan na sila. Hindi na bago sa akin ang tsismis, pero iba ito. Si Rowan, na dati’y iniidolo ng ilan dahil doctor siya, ngayon halos pandirian na. At si Cassandra, na kilala sa pagiging sosyal at maarte, biglang naging tampulan ng pangungutya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaawa. Nasa lounge ako ng firm, kasama si Dale at ilan sa mga staff na hindi mapigilang magkomento. “Ma’am, grabe po talaga. Trending sa T*****r at F******k,” sabi ni Dale habang hawak ang phone niya. “Hashtag RowanScandal, Hashtag CassandraNaBiktima. Ang daming memes, Ma’am. Hindi ko na alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanila.” “Pakita mo nga,” sabi ko. Nilapit niya ang phone niya sa akin. Nakita ko ang screenshot ng wedding invitation card nila na ku
Last Updated : 2025-09-30 Read more