Ella’s POV Pagkaalis ni Neil, saka lang tuluyang bumigay ang dibdib ko. Kanina habang umiiyak siya, pinilit kong manatiling matatag. Ayokong makita niyang pareho kaming wasak, baka lalo siyang madurog. Pero ngayong wala siya sa tabi ko, hindi ko na napigilan. Humagulhol ako habang nakahawak sa tiyan ko. Dito mismo, ilang oras lang ang nakalipas, may buhay na pinoprotektahan ng katawan ko. Hindi ko man alam, hindi ko man naramdaman, pero naging parte siya ng akin. Tapos ngayon… wala na. “Anak ko…” bulong ko habang humahaplos sa tiyan ko. “Patawad… hindi kita naalagaan, hindi kita naprotektahan.” Nagpatuloy lang ang iyak ko, walang tigil, hanggang sa bumukas ang pinto. Pumasok sina Tito Bernard at Tita Elena. Pareho silang namumugto ang mata, halatang galing din sa iyakan. “Ella…” tawag ni Tita Elena, mabilis lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. “Sorry… sobrang sorry,” bulong niya habang umiiyak din sa balikat ko. Napahawak ako sa kamay niya. “Tita… hindi ko alam… hindi ko
Dernière mise à jour : 2025-09-26 Read More