Ella’s POV Patulog na ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Inis pa akong bumaling para tingnan kung sino na namang istorbo. Nang makita ko ang pangalan ni Neil sa screen, napaangat ako ng kilay. “Himala,” mahina kong sabi sa sarili. Ilang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam. Akala ko ay nakalimutan na niya ako, o baka nagsawa na rin siya sa pangungulit. Pagbukas ko ng messenger, sunod-sunod ang chat niya. Neil: Ella, nasa Spain ako kasama ng pamilya Villareal. Neil: Ella, please answer me. Neil: Ella, something happened. Cassandra kissed me. Pero sinampal ko siya. Parang may kumurot sa dibdib ko sa unang chat niya. Spain. Kasama ang mga Villareal. Kasama si Cassandra. Napapikit ako sandali, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero nang mabasa ko ang huling linya, halos mapahawak ako sa labi ko. Sinampal niya si Cassandra. Hindi ko mapigilang pigilan ang ngiti. “Grabe, nagawa niya talaga,” bulong ko. Hindi ko akalaing kaya niyang gawin iyon. Kahit papaano, parang gumaan a
Last Updated : 2025-09-22 Read more