Home / Romance / MGA TINIK SA KAMA / Chapter 38 - agreement

Share

Chapter 38 - agreement

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-08-21 23:27:39

Maagang umalis sina Ate Zanaya at Capt., narinig ko kaninang agahan na pupunta sila bahay ng parents ni Capt. Ako naman ay ginawa na ang nakagawian ko tuwing umaga. Nagdidilig ako sa roses garden ni Auntie.

Kahit papaano, umayos na rin ang pakikitungo nila sa akin. Si Zoe na lang ang medyo ilag pa rin at tila ayaw akong kausapin. Naintindihan ko naman. Pangit ang ginawa kong pagpunta rito tapos itinuro si Capt. na ama ng baby ko kahit hindi ako sigurado. Pero ngayong alam ko'y hindi ko rin masabi sa kanila ang totoo. Natatakot ako.

Kung ang lalaking nakasama ko ng dalawang beses ay si Atty. Rex Rama, tapos Vice-Mayor na siya ngayon, baka pagkatapos kong manganak ay kukunin niya ang bata at paalisin na lang ako basta. Wala akong laban dahil no income ako at walang kakayahang buhayin ng komportable ang aking anak bukod sa isa akong walker. Hindi naging marangal ang trabaho, 'ika nga.

"Anikka, may naghahanap sa iyo." Tawag sa akin ni Ate Maricel. May kasama siyang dalawang babae na tin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cristy Bathan
salamat po sa update
goodnovel comment avatar
Riza Monreal
Baka si April na kapatid ni Ark yong nakita ni Anikka?
goodnovel comment avatar
Marilyn Oabel
nku cnu n nmn Kya ung babae n ksma n Captain
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 45 - ghost of insecurity

    Sa loob ng apat na araw na umuwi si Rex doon sa bahay, apat na iba't ibang babae rin ang kasama niya. Hindi ako umiimik dahil wala naman akong karapatang sitahin siya as long as sumusunod siya kung ano ang nasa kasunduan namin. Hindi siya nakikipag-sex sa mga babaeng iyon. Naroon siyempre ang harutan habang kumakain sila at nag-iinuman. Kahit nasa loob lang ako ng kuwarto'y naririnig ko pa rin. Ano kayang tingin ng mga babaeng iyon sa akin? Halatang hindi nila naiisip na may ugnayan kami ni Rex at anak niya ang ipinabubuntis ko kasi wala akong makitang pag-aatubili sa kilos at pagsasalita nila tuwing nilalandi nila si Rex."Hindi ka pa kakain, Anikka?" tanong ni Ate Chona na sumunod sa akin sa laundry area. Kasalukuyan kong nilalabhan ang undies ko. Hindi ko kasi maatim na palabhan iyon sa ibang tao. "Busog pa ako, Ate. Kakain ako mamaya pagkatapos ko rito. Nakaalis na po ba ang bisita ni Rex?" pahabol kong tanong."Hindi pa, baka mamayang alas-nueve pa aalis iyan. Energetic pa rin

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 44 - bedtime

    Iniwan ko si Rex doon sa guest room at nagtungo ako ng kitchen. Naabutan ko pa si Ate Chona na natatawa. Hindi ako sigurado kung kami ni Rex ang pinagtawanan niya o may naisip siyang nakakatuwa. Nakasimangot na naupo ako sa bakanteng silya at nangalumbaba. "Tama lang 'yong ginawa mo. Kung ako iyon baka sinipa ko sa puwet ang babae. Kalandi, eh. Siya pa talaga ang sumampa kay Sir at gumiling?" sulsol ng helper."Nakita n'yo rin, di ba? Tapos todo tanggi pa si Rex. Teka, Ate Chona, bukas pa 'yong pantalon niya noong gumiling 'yong babae sa kandungan niya?" pabulong niyang tanong."Hindi naman po yata, pero di ako sigurado. Narinig ko sila, mayroong tinatanong si Sir doon sa babae. Parang may impormasyon na gustong makuha si Sir.""Ganoon po ba? Gagamitin kaya niya sa kaso?""Parang ganoon, kasi detalyado ang mga tanong niya. Parang nasa korte at nag-interrogate ng witness."Ngumuso ako. Mali kaya ako ng akala? Baka strategy lang ni Rex ang nakita kong tagpo kanina at ang totoong layuni

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 43 - red panty

    "Langga, sandali lang muna!" Hinawakan ako ni Ark sa braso. "I can explain-"Itinulak ko siya kaya hindi niya natapos ang pagsasalita. Tumakbo ako palabas ng gate ng estasyon. Humabol siya at bago pa ako makapara ng taxi ay naabutan na niya ako. "Zanaya," matigas niyang angil at pinangko ako. Sinubukan ko pang pumiglas pero sinarhan niya ng halik ang labi ko. Napaungol siya nang kagatin ko. Pero hindi siya tumigil hanggang sa hindi na ako makahinga. Dinala niya ako sa sasakyan niya sa garahe ng estasyon. Automatic na pumalo ang lock at walang pagkakataong makatakas. Pinahid ni Ark sa likod ng kamay ang dugo sa sulok ng labi. Visible ang hiwa dulot ng kagat ko. Pero hindi ako nagsisi. Buti nga sa kaniya. "Sige, magpaliwanag ka na at nagmamadali ako. May klase pa ako sa BJMP," maldita kong apura.Nag-puppy eyes na naman siya. "I'm sorry roon sa nakita mo pero mali ka ng assumption. May tinitingnan lang kaming confidential case na bawal munang malaman ng ibang personnel kaya sinabi

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 42 - lady officer

    "Zai, dito ba uuwi mamaya si Ark?" tanong ni Mama sa akin. Sinilip niya ako roon sa kuwarto habang nagbibihis. "Hindi ko alam, Ma. Tatawag naman siya sakaling dito siya matutulog." Nilingon ko si Mama."Okay, naisip ko kasing ipagluto siya mamaya ng sinigang.""Naku, matutuwa po iyon."Natatawang tumango si Mama. "Ikaw naman ang uubos nón kung hindi siya uuwi."Humagikgik ako. Nitong mga nakalipas na araw ay sumidhi ang appetite ko s pagkain. Ramdam ko na nga ang pagdagdag ng aking timbang. Pero may kutob ako na may iba pang himala na nararanasan ang katawan ko. Buntis ako. Hindi ko pa lang na-kompirma. "Sino'ng maghahatid sa iyo sa estasyon?" tanong ni Mama."Si Maricel po."Isang linggo na mula nang mag-start ang pastry class ko sa PNP. Three hours sa umaga at three hours sa hapon doon sa BJMP para sa mga prisong babae na estudyante ko. So far, nag-e-enjoy naman ako. Lahat ng trainees ay willing matuto at excited sa bawat pastry na gagawin namin.Paglabas ko ng kuwarto ay nakahand

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 41 - marriage certificate

    Overnight lang ay na-redraft na ang kontrata. Masyadong apurado si Rex sa hindi ko malamang dahilan. Pero wala na rin naman akong rason na tumanggi pa o gumawa ng excuse kaya pinirmahan ko na lang matapos basahin iyo. "Ayan," ibinigay ko sa kaniya ang dokumento at ballpen. May gana pa siyang i-check kung pinirmahan ko ba ng maayos. Ang weird talaga.Lumabas siya ng kuwarto ko, bitbit ang papeles at walang sinabi na kahit ano. Bumuntong-hininga ko, naupo sa gilid ng kama. Ayaw ko munang mag-isip. Ngayon ko pa ba tatanungin ang sarili ko kung tama o hindi ang ginawa ko? Habol ko lang ngayon ang mag-survive at maitawaid ng ligtas ang panganganak ko. Alang-alang sa baby at sa akin na rin. "Anak, titiisin mo muna ang mga katangahan ni Mama ha? Promise, paglabas mo, hahanap tayo ng paraan para mabuhay ng disente. Ayaw kong ikakahiya mo ako balang araw kaya sisikapin ni Mama na magbago." Kausap ko sa baby sa aking tiyan.Tumayo ako at lalabas na sana ng silid nang pumasok ulit doon si Rex

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 40 - contract

    "Aalis ka?" nagtatakang tanong ni Ate Zanaya. "May nangyari ba rito na di ko alam? Nagtatampo ka ba sa amin?" Umiling ako. Bigla akong na-guilty dahil napakabuti nila sa akin tapos ganito ang gagawin ko. KUng hindi ko sasabihin ang totoo'y iisipin nilang masama ang loob ko. "Anikka, may nagawa ba kami?" sabat ni Jenny."Baka naman dahil sinita kita kaya nagtampo ka." Nagsalita rin si Zoe. "Wala naman akong masamang intention. Pasensya ka na kung na-offend kita."Pinilipit ko ang mga kamay. "I'm sorry, wala po kayong ginawang mali. Napakabuti ninyong lahat sa akin kahit ginulo ko kayo. Inalagaan n'yo ako, binigyan ng libre at ligtas na matutuluyan, pinakain at maayos na tinrato. Pasensya na po kung hindi ko maaring sabihin ang tunay na dahilan kung bakit ako aalis. Patawarin n'yo po ako." Naluha na ako dahil sa inis ko sa sarili. Tinatalo pa rin ako ng takot. Kung susuwayin ko si Rex, pwede niya akong i-dispose at walang maghahanap sa akin sa lugar na ito. Lalong hindi ako hahanapin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status