LOGINJustine's Point of View Pagkatapos namin kumain ni Sir Xander ay nasa sala lang kami. Gusto kong manood ng TV para kahit papaano ay may ingay pero naalala ko na antenna lang ang meron kami at wala ng palabas sa oras na iyon. Hindi katulad sa TV sa bahay nila Sir Xander na may netflip na mapapanooran kahit anong oras ko gustuhin. Nasa dulo na side ni Sir Xander samantalang sa isa din akong dulo ng mahabang ratan na upuan namin. Parehong nagpapapiramdaman.Ang tahimik. Nakakabingi. Hanggang sa may kumagat sa akin na lamok kaya ang ingay ng hampas ko sa balat ko ang tunog na pumaibabaw sa katahimikan namin. Napakalakas ng hampas ko pero hindi naman natamaan ang lamok. Pumula tuloy ang balat ko. "Come here, lalamukin ka talaga riyan wala kang kumot eh," aniya. Nakabalabal pa rin kasi siya ng kumot na gamit namin kanina lang. Ngumuso ako. Kukuha na lang ako ng akin. Pero pagkatayo ko ay tumayo din siya. Agad akong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa kaniya. Niyakap niya ako pabala
Justine's Point of View Tumabi ako kay Sir Xander. Dahil hindi kalakihan ang foam sa kuwarto ni Junjun ay talagang magkalapit kami sa isa't isa. Naglagay na lang ako ng unan sa gitna namin. Pero tila pareho naman kaming hindi makatulog."Ganito ba talaga sa probinsiya?" biglang tanong niya. Nakapikit na ako pero sinagot ko pa rin siya. "Anong ganito sa probinsiya?""Ang ingay..."Napamulagat talaga ako dahil sa sinabi niya. "Huh? Maingay?"Ewan ko kung nabibingi ba ako o ano. Anong maingay ang sinasabi ni Sir Xander? Eh sobrang tahimik naman. Kuliglig nga lamang ang maririnig at ilang mga palaka. Hindi katulad sa siyudad na walang humpay na busina at tunog ng sasakyan ang maririnig. Kakaiba ang ingay doon. Anong naririnig niya na hindi ko naririnig?"Yeah, those frogs and crickets, maingay sila..."Bigla akong humagalpak ng tawa. Medyo nahampas ko pa siya. "Jusko Sir Xander, ingay na sa iyo iyon? Normal lang sa probinsiya iyan. Pero masasabi pa ring—"Bigla akong natigilan. Medyo
Xander's Point of View What the heck? Ano itong naririnig kong usapan? Ano bang sawa ang pinag-uusapan nila? Is it mine?Napatingin ako sa aking baba. I was hard. Nangyari lang naman iyon nang magkadaiti kami ni Tin nang muntikan siyang madulas. I think I need the cold water now. Nag-init kasi ang pakiramdam ko at mukhang mahihirapan akong paamuin muli itong kaibigan ko."Sir Xander, bilisan mo na riyan. Malamig, baka magkasakit ka!" Rinig kong ika ni Tin mula sa labas. Mukhang okay naman siya. Ako lang ang hindi.I took the cold water. Malamig nga pero kailangan ko iyon. Halos naubos ko ang laman ng drum. Nang lumabas ako ay bihis na rin ako at nakapagtoothbrush na rin. Buti na lang at dala ko na roon ang mga gamit ko. I saw Tin waiting for me outside. "Ang tagal mo yata sir Xander?" sita niya sa akin. Nagkibit balikat lang din ako. "What are you doing?" tanong ko nang makita siyang may hawak na parang lutuan ng tubig. We have it at home, pero ang kanila maitim. Napatingin si T
Justine's Point of View Pagkatapos namin ihatid si Nanay ay umuwi din kami agad. Napakaraming bilin ni Nanay sa amin. Na para bang may mangyayaring hindi niya inaasahan. "Sir Xander gusto mo ba talagang matulog sa amin?" tanong ko habang hindi pa kami nakalalayo sa bayan. "Manipis lang ang foam sa tulugan ni Junjun. Walang aircon..." Lumingon siya sa akin. "Sinasabi mo ba iyan para idiscourage akong matulog sa inyo?"Inirapan ko siya. Siyempre! Ayaw ko siyang matulog sa bahay kasama ko. Lalong uugong ang mga tsismis lalo at dalawa lang kami doon. Pero hindi nga, sa katulad niyang mayaman, hindi siya sanay panigurado sa papagna tulugan. Tapos may mosquito net pa. Sanay siya sa aircon at malambot na kama."May mga hotel dito sa bayan. Iniisip ko lang ang comfort mo sa pagtulog..."Tinaasan niya ako ng kilay. "I'm okay, Tin. Wala sa akin ang matulog sa manipis na foam or something. Isa pa, hahayaan ba kitang matulog doon mag-isa? What if someone is trying to get inside at gawan ka n
Justine's Point of View At ganoon na lamang, parang apoy na kumalat sa buong barangay namin ang pagdating ni Sir Xander. Nanliliit ang pakiramdam ko kaysa maging proud. Paano naman kasi, kontrata lang naman ang meron kami at nakakahiya na natsi-tsismis siya ng ganoon sa amin.Sa bilihan ng mga appliances, buti na lang din at hindi na ako masyadong kilala sa bayan. Nakapamili kami agad. Binayaran ni Sir Xander na walang salita. "Ano pang kailangan nila Nanay doon?"Nanay? Nanay talaga ang tawag niya.Tumaas ang kilay ko dahil doon. At kailan pa niya naging nanay ang nanay ko? Kadarating lamang niya doon ganoon na siya ka-feeling close sa ina ko."If there's no more, let's go..." yakag niya sa akin. Ipinadeliver na niya iyon dahil hindi naman kaya ng sasakyan niya lara iuwi iyon. Baka magasgasan pa ang kotse niya. "Salamat sa regalo mo..." ika ko nang makasakay na kami. "Regalo? Who said that it's a gift?" ika niyang ikinasingkit ng mga mata ko sa kaniya. Parang naririnig ko na a
Justine's Point of View Tatlong araw na ako sa lugar namin. At kung hindi sa hospital ay nasa loob lang ako ng bahay. Depende lang kung kailangan kong mamalengke gaya ngayon. Hindi ko din sinabi sa mga kaibigan na naroon ako. "Oh narito pala ang balik bayan," ika ni Aling Juaneta na siyang binibilhan ko ng fresh na karne nang makita niya ako. Ipapaluto ko ang pinakamasarap na adobo sa buong mundo. Ang luto ni inay. "Si Aling Juaneta talaga oh! Sensiya po, walang pasalubong galing ibang planeta..." sabi ko naman habang pumipili ng parte na gusto ko."Okay na kahit wala basta dito ka parin bumibili, Tin..." ika niya. Nginitian ko siya. "Dalawang kilo nito aling Juaneta..."Agad siyang tumalima. "Kumusta na ang nanay mo, Tin?" tanong niya habang ikinikilo ang order ko. "Okay na siya Aling Juaneta...""Buti naman. Puwede na sigurong magtinda-tinda ulit ng ulam. Masarap talagang magluto ang iyong ina eh..." ika niya. Suki ni Nanay si Aling Juaneta.Ngumiti lang ako. Noon, sa pagtiti







