Justine's Point of View"Tin, what is my schedule this afternoon?" tanong ni Sir Xander. Kararating lang namin sa kompanya nang magtanong siya sa akin.Binaba ko muna ang gamit na dala ko. As usual, wala ng pinagbago. Pinadadala niya ako ng kung ano-anong folders papunta sa opisina.Pumunta ako sa computer ko at binuksan agad iyon para tingnan ang kanyang schedule. Hindi na ako nagsusulat sa papel dahil minsan, hindi din niya tinutupad iyon. Kina-cancel niya bigla-bigla. "You have a meeting around two o'clock, Sir Xander. With..." Kumunot ang noo ko habang binabasa ang pangalan. "Maja Ruth Fukiko..." Gusto kong matawa pero pinigilan ko."What's so funny?" Pero nahalata pala niya akong pinipigilan na matawa. Umiling ako pero pagkabasa muli ng pangalan ay natawa na ako. "Tin!" May babala ang pagtawag niya sa pangalan ko. Dahil doon ay inirapan ko siya. "Wala, Sir Xander. Nababaliw lang ako kaya tumatawa ako mag-isa!" sagot ko. Hindi niya din siguro gets iyon kahit joke lang kapag s
Justine's Point of ViewNakasalumbaba ako habang nakatitig sa monitor ng laptop. Hindi ko maintindihan ang course na pinag-aaralan ko ngayon. Maaga pa naman ang gabi. Tapos na rin kaming naghapunan. Napanguso akong napalingon nang lumabas si Sir Xander mula sa banyo. Buti pa siya fresh na samantalang ako, parang idinukdok sa maraming problema ang itsura.Muli akong humarap sa monito. Napasabunot na ako sa aking buhok at problemadong nakatitig doon. "What's with that face?" tanong niya nang silipin ako. Inirapan ko siya at hindi sinagot. Nagulat lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Amoy na amoy ko ang sabon niya. Ang bango-bango din talaga ng lalakeng ito, jusko! Lalo tuloy akong nawala sa concentration sa pinapanood ko. "Iyan ba ang pinag-aaralan mo?" aniyang itinuro ang monitor. May naka-play doon pero hindi talaga siya pumapasok sa isip ko. Nahihirapan ako. "It's easy! Bakit parang pasan mo na ang mundo!" Aniyang tila may halong tudyo. Lalo tuloy akong nainis hindi lang sa
Justine's Point of View "Tin!""Bitiwan mo ako, Sir Xander..." hiyaw ko nang maabutan niya ako. Sa laki ba naman ng kanyang mga biyas ay madali lang niya akong nahabol at nahuli.Niyakap niya ako sa isa niyang kamay at ang isa ay pilit inaagaw ang sulat ko para kay Liam. Nakipagbuno ako at ginawa ang lahat para hindi niya iyon makuha."Anong ginagawa ninyong dalawa?" Natigilan lang kami nang may biglang magsalita. Agad akong binitiwan ni Sir Xander. Ako naman ay nahiya nang mapagsino ang dumating. Napaisip. Ano bang itsura namin kanina?"Hindi dahil sa mag-asawa kayo ay maglalampungan na kayo dito. Nasaan ang delikadesa, Xander?" Tila pinapagalitan kaming saad nito.Ooppss. Bigla akong kinabahan. Ang palangiting si Liam kahapon ay biglang naging seryoso. Ni hindi nga siya ngumiti ngayon habang nakatunghay sa amin. Hindi niya nagustuhan ang nakita. Itong si Sir Xander kasi! Kasalanan niya ito!Napalingon ako kay Sir Xander. Tinaasan niya ng kilay si Liam saka sumagot."And who are yo
Justine's Point of View Resign? Kailangan ko ba talagang gawin iyon? Kung kailan na nagiging okay na kami ni Liam at masaya akong magtrabaho sa kanya tapos, magreresign lang ako para sa demonyo kong amo!Hays! Paano ako magpapaalam? Ayaw kong saktan ang puso ni Liam. Pero hindi din naman ako anak ng contractor para magpakaipokrita. Malaking pera ang usapan dito at tama si Sir Xander, pera niya ang nagligtas kay inay dahil sa kontrata namin. Kaya sa gabing iyon. Nagsulat ako ng makapagdamdaming resignation letter. Kinabukasan ay sabay kaming muli ni Sir Xander pumasok. As usual, balik sa dati ang ganap. Naroon na umagang-umaga ay tila mainit ang ulo niya. Hindi talaga siya nawawalan ng regla. May mood swings palagi. Ako na lang ang nag-adjust para wala ng problema.Papunta na siya sa elevator ng mga executives nang lumiko ako para pumila sa elevator na para sa mga empleyado. Nagulat lang ako nang biglang may humawak sa damit ko. Sa may likod at hinila ako. Hindi hinila. Parang binitb
Xander's Point of View Habang nauunang maglakad ay hindi ko mapigilang pagalitan at murahin ang aking sarili. Ano iyong ginawa ko? Why did I kiss her? At hindi basta-bastang halik lang ang ginawa kong iyon. Malalim at nananabik.Shìt! I really need to push through what I'm planning right now. "Hmmm..." Tila may bumikig sa lalamunan ko. Magkatabi kami ngayon ni Tin sa sasakyan at walang nagsasalita. Hindi ko magawang pagalitan siya dahil hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang halik na pinagsaluhan naming dalawa.Fùck! Her lips were so soft and tasted sweet. Parang sa loob ng ilang taon na may mga nahahalikan akong babae ay itong si Tin ang pinakaunang nasarapan akong halikan. Hindi niya alam paano humalik at iyon ang lalong nagpapaengganyo sa akin na halikan siya. "Sir Xander, saan tayo pupunta? Akala ko uuwi na tayo?" tanong niya nang lumiko ang sasakyan.I can't look at her right now. Baka kasi maengganyo akong halikan siya. Kahit madada ang bibig niya ay masarap siyang halikan.
Justine's Point of View "Tin, can you do this for me, please. Do you know how to use the laptop on your desk?" Medyo alanganin akong napatango. Computer lang sa computer shop ang alam kong gamitin. Pero siguro, pareho din naman iyon. "I'll send you the documents. For now, sort it in folders..." utos ni Liam..Ngumiti ako babalik nang ngitian niya ako.Binuksan ko ang laptop. Madali lang naman sundin ang instruction na naroon. Naroon na din kung paano gamitin iyon at anong password at username ang gagamitin. Company computer iyon kaya naroon na ang mga kailangan ilagay.Nang mabuksan ko iyon ay agad akong pumunta sa company email ko. Agad kong natanggap ang sinabing email ni Liam. Napangiti ako dahil sa hulian ng message niya ay may smile emoji.Nakakakilig talaga siya. Sana siya na lang pinakasalan ko, for sure magiging masaya kahit pagpapanggap lamang iyon. Hindi katulad ni Sir Xander na mukhang tatanda ako agad dahil sa kunsumisyon sa kanyang pag-uugali.Nagawa ko naman ang mga