"LETSE!" Padabog na binitiwan ni Atoy ang kinakaing isda at yamot na tumayo. Nagtatakang nilingon siya ni Maritess."Ano na naman bang problema ha?" Sita nito sa kanya, "Yan na nga ba ang sinasabi ko. Tuwing umuuwi kang talo sa sabong, ganyan ka!""Hindi mo ba naiintindihan ha? Tingnan mo ang buhay natin? Araw-araw na lang ba tayong magtitiyaga sa galunggong ha? Hindi tama eh!" Pikon na pikong sabi niya sa babae, "Habang tayo naghihirap, iyong kapatid mo, nahihiga sa pera! Tama ba iyon, ha?""Eh ano namang gusto mong gawin ko? Nilapitan na natin siya para humingi ng konting puhunan pero di nya tayo pinagbigyan. Gusto mo bang lumuhod ako sa kanya para magmukhang kaawa-awa, ha Atoy?" Yamot na tanong nito sa kanya, "Hah, hinding-hindi ako magmamakaawa sa babaeng iyon, no!"Naiinis na nilapitan ni Atoy si Maritess at hinawakan niya ito sa baba para iangat ang tingin paharap sa kanya, "Sinabi ko bang magmakaawa tayo sa kanya, ha? Wala ka bang utak, ha?" Dinuro niya ang kukute nito,
Magbasa pa