"BY THE WAY, ANTHONY. I HOPE YOU CAN MAKE IT ON OUR COMPANY'S fifty five years anniversary. Sa susunod na linggo na iyon. Kung madadala mo ang asawa mo, mas mabuti para makilala ko rin," sabi ng kanyang Ninong Andres habang nagdi-dinner sila sa isang mamahaling restaurant dito sa Cebu. Bumaling ito sa bunsong anak na si Raymart. "Iho, siguro naman sa ika-fifty five years ng kompanya, may maipapakilala ka na sa aking matinong girlfriend. Iyong wife material?" pabirong sabi nito dito, "Kung hindi ako mabigyan ng apo ng Kuya Justin mo, baka ikaw. . ."Napailing si Raymart, bumaling ito kay Anthony, "Ganyan palagi si Papa sa amin ni Kuya Justin kaya siguro nag-eenjoy si Kuya malayo dito."Napangisi si Anthony, "Ganyan din si Daddy sa akin nuon. Kulang na lang, siya ang humanap ng babae para sa akin. . .dumating pa nga sa point na pinagdudahan na niya akong lalaki rin ang gusto ko," Tumatawang kwento niya sa mga ito. Naalala niya, nasurpresa ang mga ito nang dalhin niya sa bahay
Magbasa pa