PARANG KAHIT GAANO karaming alak ang inumin ni Anthony, ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit at labis na pangungulila niya kay Aubrey. Nangako siya sa kanyang sariling from now on ay lilimutin na niya ito at iwawaksi sa kanyang utak at puso and yet hirap na hirap syang gawin iyon. Na para bang kahit saan siya tumingin, mukha nito ang nakikita niya.Muli siyang nagsalin ng alak sa baso. Bakit ba hindi niya magawang ibuhos ang kanyang buong atensyon kay Lindsay. Ilang linggo na lamang at manganganak na ito. Alam niyang kailangan siya nito, physically and emotionally and yet, pilit na pilit lamang ang panahon na ibinibigay niya dito. Damn. Damn. Halos naubos na niya ang isang bote ng alak. Bumagsak na ang katawan niya at duon na siya nakatulog sa sahig.Naramdaman niya ang paghagod ng isang malambot na kamay sa kanyang mukha. "Aubrey?" Di niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha, "Ano pa bang kulang, ibinigay ko naman saiyo ang lahat pero paano mo nagawang paulit-ulit
続きを読む