"IHA, MAPAPATAWAD MO PA BA AKO SA LAHAT NG MGA masasakit na nasabi ko saiyo?" Hiyang-hiyang sabi ni Joan kay Aubrey nang magkaharap sila, "Hindi ko alam. . .God, kapag naalala ko ang lahat ng ginawa ko saiyo, gusto kong murahin ang sarili ko. Nuong mga panahong kailangan mo ng kakampi, sa halip na damayan kita ay ipinagtabuyan pa kita. . .""Pare-pareho lang naman po tayong naging biktima ng mag-inang iyon at ni Hector," umiiyak na sagot ni Aubrey.Niyakap ito ni Joan, "Ang totoo, namiss kita. Namiss kong makita kayong magkasama ng anak ko," naiiyak na sabi ni Joan dito, "Hindi ko naman kasi naramdaman kahit na kailan na masaya si Anthony sa babaeng iyon. Saiyo ko lang siya naramdamang genuine na masaya." Tiningnan siya nito nang matiim, "Mapapatawad mo pa kaya ang anak ko? Alam mo naman sigurong hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal niya at kahit na kailan, hindi naman iyon nawala."Hindi siya sinagot ni Aubrey. At naiintindihan naman niya ito. Hindi naman ganuon kadali ang la
続きを読む