"ATE LINDSAY?" aniya nang sagutin ang tawag nito."Birthday ni Mama Devorah bukas, wag na wag kang mawawala. Darating ang family ni Anthony. I want you to reconcile with them.""Ate?""Please, gawin mo ito para sa akin, Aubrey," pakiusap nito sa kanya, "Gawin mo ito para sa magiging pamangkin mo. Humingi ka ng tawad sa pamilya ni Anthony at aminin mo ang iyong naging pagkakamali. Saka nakita mo namang pinipilit ni Mama Devorah na makabawi sa atin kaya bigyan mo siya ng pagkakataon na maipakita nya iyon."Hindi siya makasalita."Hindi mo naman masisisi si Mommy Joan kung magalit iyon sa iyo, niloko mo ang anak nya." sabi pa ng ate niya."Hindi ko niloko si Anthony, Ate!" Giit niya dito, medyo napataas pa ang boses niya, bakit ba kailangan nitong ipilit iyon? Kung may taong dapat na magtiwala at maniwala sa kanya, hindi ba dapat ang Ate Lindsay niya iyon?"Aubrey, kahit igiit mo pa ang sinasabi mong yan, paano mo ipapaliwanag sa kanila ang katotohanang bigla ka na lang naglaho sa ara
Last Updated : 2026-02-10 Read more