UNTI-UNTING NAGLAHO ang nakaplaster na mga ngiti sa labi ni Devorah nang makita ang kanyang nakakatandang kapatid."Divinah, anong ginagawa mo dito? Darating ka na lasing na lasing? Hindi ka ba nahihiya sa mga bisita ko?" Sita kaagad niya dito, hinila niya ito patungo sa veranda."Huwag kang mag-aalala, hindi naman ako magkakalat. Nagtatampo lang ako na ini-itsapwera nyo ako sa mga plano nyo," nakangising sabi nito, nagsindi ito ng sigarilyo at hinithit iyon at pinakawalan ang usok sa mukha niya."Damn, kaka-botox ko lang!" Singhal ni Devorah sa kapatid.Natawa si Divinah, "Ayos ka rin ano? May paparty-party ka pa sa birthday mo," tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, "Ang sosyal-sosyal mo pang tingnan," iginala nito ang tingin, "Namumuhay ka ng marangya sa mansion na ito. May pabotox-botox ka pang nalalaman.""Bakit ka nandito?""Gusto ko ring maranasan ang buhay na dinadanas mo," simpleng sagot nito, tiningnan siya ng makahulugan, "Ang lagay eh kayo lang ba ang dapat na masa
Last Updated : 2026-02-12 Read more