NAGULAT SI AUBREY nang pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang 'Ate Lindsay' niya. "A-Ate." namumula ang mga pisnging sambit niya, bahagya pa siyang nataranta, "P-pasok ka. . .pasensya na, hindi pa ako nakakalinis ng bahay."Pumasok ang kapatid niya sa loob ng kanyang unit, iginala nito ang paningin sa kabuuan ng bahay saka waring nag-aalalang tumingin sa kanya, "So, ano ng balak mo ngayong nagresign ka na sa trabaho? Hindi pwedeng habang buhay ka na lang aasa kay Anthony. . .""Naghahanap na ako ng trabaho, Ate.""Good," tila walang emosyon na sabi nito sa kanya, "Ayoko lang namang isipin ni Anthony na pera lang ang dahilan kaya ka pumatol sa kanya."Nasaktan siya sa choice of word nito, "Alam mong kahit na kailan, hindi pera ang dahilan kaya ko siya minahal.""Paano si Hector?" Kumunot ang nuo nito, "Napakabait ni Hector saiyo at. . .""Ate, pwede bang wag na muna natin siyang pag-usapan? Sana rin wag mong ipaalam sa kanya ang tinutuluyan ko."Tiningnan siya nito ng matiim
Last Updated : 2026-02-20 Read more