SIYEMPRE hindi ako magpapatalo kay Chelsea. Tinaasan ko rin siya ng kilay nang tumingin siya sa akin habang papalapit sila ni Hector sa amin.She seems like she's declaring war. Nakahanda ako. Gaano pa man siya kamaldita. Full armour yata ang suot ako.And as I have said, malakas ang backer ko. Not just one, but two. Ang mismong chairman ng Magnefico at siyempre ang asawa ko. Sapat na sila para lumakas at tumapang ako."Hi, sweetie.""Mind your manners. Wala ka sa bahay mo."Lihim akong napangisi sa pagbara ni Josh. Pero mukhang wala man lang epekto iyon kay Chelsea na nakangiti lang at nagpapapungay pa ng mga mata."It's been a long time. How have you been?""I'm doing good.""Me, too.""Me, three!" sabay taas ko pa sa kamay ko para makuha ang atensiyon niya na tila ba kung kausapin ang asawa ko ay wala ako roon.She's such a leech. Ang sarap niyang pasipsipin ng lason. Mukhang tama si Josh. She is up to no good now that she's around."Nuisance," asik ni Chelsea.Hindi ko siya pinans
Last Updated : 2025-10-02 Read more