Share

Chapter 122

Penulis: EL Nopre
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-01 03:47:18

"MY real identity is also hidden to her nang magkaroon kami ng relasyon..."

Napahinto ako sa pagbukas ng pinto ng kotse. Sa parking area ng basement ng Magnefico dumiretso si Josh. Ang sabi niya ay may in-assign na espasyo rito si Chairman Emilio na hindi masyadong pinapasok ng mga sasakyan dahil hindi na bumaba roon ang elevator. Kailangang gumamit ng hagdan para makarating sa kasunod na palapag.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I owned a small company. At 'yon lang ang alam niya. Then, Margarita asked Hector's help to ruin our relationship. At nagtagumpay naman sila.''

''Mayaman si Hector?''

''Yes.''

''Pero bakit nagtatrabaho siya bilang assistant ni Renzo?''

''Dahil may malaking pagkakautang ang mga magulang niya kay Margarita. At iyon ang ginagamit para mapasunod siya sa lahat nang inuutos ng mag-ina.''

''Kahit ang pagpapakasal kay Chelsea?''

''He can sacrifice his own happiness to save his family. But he owns a company bigger than WEBBLE. Hindi nga lang iyon sapat upang mabayaran ang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jonabeth Magantao
wala na pud ni sumpay hayyyysssss
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 138

    "PPSSST!"Napalingon si Emie. Ginantihan muna niya nang pagkaway si Denise bago uli siya nagpaalam sa mga katrabaho."Mag-iingat ka.""Kayo rin po." Nakangiti niyang nilapitan ang kaibigan. "Pauwi ka na rin?""Hinihintay ko lang si Josh. Nasa meeting pa siya.""Hindi ba ang sekretarya dapat laging nasa tabi ng boss niya?""Nagpaalam lang ako para mapuntahan kita rito bago ka umuwi. Nami-miss na kita."Niyakap ni Emie ang kaibigan. "Miss na miss na rin kita, Bestie. Pareho na tayong busy sa mga trabaho natin.""Oo nga. Hindi na tayo tulad noong dati na walang araw na hindi tayo nagkikita at nagkukuwentuhan.""Kuwentuhan na walang kuwenta at kuwentuhan na paulit-ulit."Umabay si Emie sa paglalakad ni Denise. Saka lang sila huminto hindi kalayuan sa hilera ng mga elevator."Pero masaya tayo. Ang importante nagkaroon tayo ng oras sa isa't isa.""Oo nga. Pero ngayon, hindi na tayo nagkukuwentuhan. Kahit may mga cellphone na tayo, iba pa rin kapag ganitong magkaharap tayo.""May ikukuwento

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 137

    "COME and sit."Pinauna na ako ni Kino sa pagtungo sa receiving area sa loob ng opisina ni Josh. Naupo ako sa single sofa habang inukupa naman ng dalawang lalaki ang mahabang upuan."This coming week," panimula ni Josh. "We have a distinguished guest from California. And I want the two of you to personally tend to her needs. Ilang mga departamento na ang naka-assign sa kanya, pero gusto ko pa rin na asikasuhin niyo siya sa abot nang makakaya ninyo. The hotel assigned to her was already handled by the Marketing Department."Kinuha ko ang ilang pahina na mga papel na inabot ni Josh sa amin ni Kino."Her name is Helena Taylors. I will do some briefing about her personal info. But the rest, you can read it there."Binuklat ko ang mga pahina at saka pinasadahan ko ng mabilisang tingin habang nakikinig kay Josh."It's her first visit in the Philippines after two decades. The reason for her return is unknown. She's married to an American businessman tycoon that owns the LILY and TIM, one of

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 136

    "MRS. Taylors will arrive next week, so prepare everything in perfection. Don't be late to pick her up at the airport. And if possible, find the safest route na hindi kayo maiipit sa traffic."Nakikinig lang si Hector sa utos ni Renzo habang itinitipa niya iyon sa hawak niyang electronic notepad."Choose a 5-star hotel na tanaw ang Manila Bay at may magandang sunset and sunrise. She's a very, very valued guest. Tell everyone who will work for her to take extra caution not to offend her in any way." Tumingala ito. "Do you know her?""Yes.""Of course. Because you're a businessman, too. Kaya ikaw ang pananagutin ko if anything happens with her stay here.""I'll do my best.""Two weeks lang siya rito, so convince her within that time frame to collaborate with our brands. We will do all the marketing strategies. Ang kailangan lang natin ay ang international popularity nila. And..." Tumingala ulit ito matapos mailagay sa loob ng isang folder ilang papel, "Send these to Finance."Nag-atubil

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 135

    NAPATINGIN ako kay Josh nang ipatong niya sa balikat ko ang braso niya. I know he's trying to comfort me again. And I do feel comforted. Kahit papaano, pinagaan niya ang nararamdaman ko."Okay lang ako.""Alam ko. Kilala kitang matapang. I'm just worried na baka malantad na tayo sa publiko. Are you ready to handle the pressure or burden of marrying a CEO and an heir?""Sabi mo nga, matapang ako. So, I guess kaya ko naman. At isa pa, nandiyan kayo ni Chairman Myeharez. Siguradong hindi niyo naman ako tatalikuran.""That won't happen. At saka mas paborito ka kaya ni Lolo kaysa sa akin.""Talaga?""But I'm not jealous."Para akong bata nang gulu-guluhin ni Josh ang buhok ko. I like how he did it. Masaya ako. Pakiramdam ko, we're not acting anymore. And that our feelings are genuine.Bahala na. Sasamantalahin ko na lang ang pagkakataon habang kasama ko pa siya. If in the future, he found someone else, then saka ko na lang siguro iisipin ang sakit. Pero hindi ako magsisisi kahit na ano pa

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 134

    INILAPAG ni Josh sa mesa ang isang pahinang puting papel na kinuha mula sa envelope. Itinapat niya iyon sa tatlo na bahagya pang ibinaba ang ulo para makita ang mga nakasulat doon."Read."Nagturuan ang tatlo."Wala sa kanilang marunong magbasa," singit ko. Nakatanggap tuloy ako nang matalim na tingin sa madrasta ko. "I will read it.""No," salungat ni Josh. "Ako na ang magpapaliwanag sa kanila para mas malinaw." Seryoso siyang tumingin sa tatlo. "Isa itong waiver. Ibig sabihin, kapag kayo ay pumirma, susunod kayo sa lahat nang mga kondisyon na nakasaad dito.""Bakit? Para saan iyan?""Para sa kapayapaan ng isip ng asawa ko. Buntis siya kaya ayokong ma-stress siya."Napaubo ulit ako. Kapag binabanggit ni Josh ang bagay na iyon ay bigla na lang nag-iinit ang katawan ko. Parang gusto kong magkatotoo ang sinasabi niya."Pamilya niya kami -""Wala akong pamilya," maagap kong pagputol sa iba pang sasabihin ng madrasta ko."Nakapag-asawa ka lang ng mayaman, yumabang ka na.""Pinakasalan ko

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 133

    "OKAY ka lang?"Tumango ako."Bakit namumutla ka?"Gusto ko sanang sawayin si Josh sa ginagawa niyang paghaplos sa aking pisngi. Nasosobrahan na siya sa acting. Baka mas lalong mahalata ng pamilya ko na nagpapanggap lang kami."Ah, oo nga pala. Kaya ka siguro namumutla ay dahil buntis ka."Napaubo ako."Naduduwal ka rin. Morning sickness iyan. Bakit naman kasi ang aga mong umalis sa bahay? Ang sabi ko sa iyo ay hintayin mo ako.""Okay lang ako." Pasimple kong hinawi ang kamay niya na humahaplos sa akin. "At wala akong morning sickness.""Kailangan kong makasiguro. Ayokong magtampo ang magiging anak natin. Pupunta tayo sa ospital pagkatapos natin dito."Palihim kong sinenyasan si Josh na tumigil na sa pagpapanggap saka ko itinuro nang tingin ang pamilya ko na tulalang nakatunghay sa amin."Tita, sino po siya?"Bumaba naman ang tingin ni Josh sa isa sa dalawang bata na naroon. "Asawa ako ng tita niyo.""Ibig pong sabihin, tito ka namin?""Parang ganoon na nga.""Kotse mo po ba 'yon?"Si

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status