"MANANG Dina! Mula sa kinakausap na bagong katulong ay napalingon ang ginang nang marinig nito ang pasigaw na pagtawag ng amo nitong lalaki."Haist! Ang aga-aga! Ano na naman kayang problema niya?""Sino po siya?""Ang anak ng amo natin na amo na rin pala natin. Sandali. Putahan ko lang siya. Dito ka lang. Teka. Ano nga uli ang pangalan mo?""Olivia po. Pero tawagin niyo na lang po akong Olive.""Manang Dina! Manang Dina!""Yes, sir! I'm coming, sir!"Nagkagulatan pa sina Dina at Renzo na muntik pang magkabanggaan palabas ng pinto nang magsalubong sila roon."Ay, anak ka ng demonyo!""What did you say?""Sorry, sir! Sorry, sir! Nagulat lang ako!""Kanina pa kita tinatawag! Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan ka na naman?""Pasensiya na po, sir. Kausap ko kasi ang bagong pasok na katulong..."Napatingin muna si Renzo sa tinukoy ni Dina na hindi naman niya pinagtuunan nang pansin. "Bakit walang kumuha sa damit ko na pina-dryclean ko kahapon?""Ah, oo nga pala. Sorry, sir. Nakalimutan ko.
Last Updated : 2025-10-12 Read more