PINIGIL kong huwag sumilip ang mga luha ko habang nakatitig ako kay Papa. Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko na pambayad-utang lang ang trato nila sa akin.I never thought even that very moment that such a father really exists. Ayoko talagang paniwalain ang sarili ko dahil kumakapit pa rin kasi ako sa pag-asang walang totoong magulang ang maglalagay sa mga anak nila sa kapahamakan."Sigurado na ako ngayon," wika ko nang hindi ko inaalis sa kanya ang tingin. "You are not my father.""Kahit ano pang sabihin mo, hindi na iyon magbabago. Ako pa rin ang ama mo.""Really? Lalo tuloy akong na-curious. Fine. Kapag napatunayan iyan ng DNA test, then babayaran ko lahat nang nagastos niyo sa pagpapalaki sa akin. Ipapagawa ko kayo ng bahay. Bibigyan ko kayo ng kabuhayan, pera, lahat nang luho at bisyo niyo."Nagkatinginan ang mag-anak."Pero kapag lumabas sa resulta na hindi ikaw ang ama ko, lahat nang ginawa niyo na pang-aabuso sa akin mula nang bata ako, at lahat nang mga kasinungalingan
Last Updated : 2025-10-05 Read more