NAKAIDLIP din ako sa biyahe. Naipit kasi kami sa trapiko kahit maaga pa. Marami na agad mga motorista sa lansangan.Nagising lang ako nang pitikin ako sa noo ni Josh. Wala talaga siyang siyang sense of gentleness.''Nagkalat ka pa ng laway mo rito.''Napasuyod naman ako sa paligid ng upuan ko. At napasapo ako sa gilid ng bibig ko. Wala naman.Nauna nang bumaba si Josh. Saka ko lang napansin na nakatigil na pala kami sa tapat ng Magnefico.''Kuya, bayad na ba talaga siya?''''Opo, ma'am.''''Please, huwag mo na ulit siyang pasasakayin dito. Gusto ko siyang turuan ng tamang pagtitipid.''''Sige po, ma'am.''''Salamat.''Bumaba na ako at sinundan ko na si Josh na nauna na ring pumasok ng gusali.''Bakit ba lagi na lang niya akong pinahahabol?'Mabibilis ang mga hakbang ko. Patungo na sana kami sa hilera ng mga elevator nang humarang sa amin si Jonas.''Hi. Good morning,'' bati ko. Siniko ko si Josh nang para siyang tuod na nakatayo lang. ''Bumati ka naman,'' pabulong kong utos sa kanya.
Last Updated : 2025-08-21 Read more