''COME in.''Nadatnan ni Olga na naghihintay na sa living area ng opisina si Chairman Emilio. ''Sir?''Come. Have a sit.'' Napansin niya na kinakabahan ang babae. ''Don't worry. Wala akong masamang balita sa iyo.''''Bakit niyo po pala ulit ako ipinatawag dito? May ginawa po bang kapalpakan ang bagong hired?''''No, no. He's doing well.''''Ah. Mabuti naman po.''''May problema ka ba sa kanya?'' balik-tanong ni Chairman Emilio.''Ang totoo, nagdadalawang-isip po ako kanina na tanggapin siya dahil wala po sa aura niya ang pagiging cleaner. Ang ibig ko pong sabihin, guwapo siya saka mukha namang matalino. At para bang may kaya siya sa buhay.''''Napansin mo rin iyon?''Tumango ito. ''Pero dahil rekomendado niyo, baka po may nakita kayo sa kanya na espesyal.""Tama, tama. Espesyal nga siya.""Espesyal po siya? Kilala niyo po ba siya?''''Kilalang-kilala. Nasa sinapupunan pa lang siya ng Mama niya, alam ko nang magdadala siya sa akin ng suwerte.''''Bakit sa cleaning department niyo po si
Last Updated : 2025-08-12 Read more