Dorryn's Point of View*Nagtataka pa rin akong nakatingin sa kanya, parang may mga tanong na pilit kumakawala sa isipan ko ngunit ayaw magpahuli sa sagot. Wala naman kasi akong maalala tungkol sa kanya eh. Kahit anong pilit kong hukayin ang alaala ko, puro blangko lang ang sumasalubong sa akin, tila ba isang pahinang walang nakasulat."Uhmm... Mr. Leander, baka nagkamali ka lang ng nakilala. Mukhang hindi ako ang sinasabi mong tumulong sa 'yo."May bahagyang pag alinlangan sa boses ko habang sinasabi iyon, pero pinilit kong panatilihing mahinahon ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang pamilyar na pakiramdam sa presensya niya, isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.Napangiti naman siya, isang ngiting tila may tinatagong lihim, at dahan dahan na napailing iling. Ang mga mata niya ay may kung anong kislap, parang may alam siya na hindi ko pa nalalaman."Hindi ako nagkakamali. Malalaman at malalaman mo rin."Parang may diin ang bawat salita niya, na tila ba isang
Read more