Dorryn’s Point of View*Pumasok na kami sa work ngunit tila naiwan ang kalahati ng sarili ko sa kung saan. Naroon ang katawan ko, gumagalaw, sumusunod sa bawat proseso, ngunit ang isipan ko ay parang ulap na inaanod ng hangin, walang direksyon, walang patutunguhan. Hawak ko ang kutsilyo habang hinihiwa ang mga sangkap, ngunit hindi ko halos maramdaman ang bawat galaw ng kamay ko. Para akong isang manikang tinuturuan kung paano gumalaw, walang buhay, walang sigla.“Miss Dorryn?”Natigilan ako. Parang may biglang humila sa akin pabalik sa realidad. Napatingin ako kay Mr. Jao, at doon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatulala. Nanlalaki ang mga mata ko habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko.“P-Po? I’m sorry po,” nauutal kong sabi, ramdam ang bahagyang init sa aking pisngi dahil sa hiya.“Are you alright? Gusto mo bang magpahinga hmm?” tanong niya, may halong pag-aalala ang boses.Agad naman akong napailing, kahit pa sa loob-loob ko ay gusto ko nang maupo at huminga. Ngunit h
Read more