Dorryn's Point of View*"Don't cry, darling."Pinunasan ng ina ni Nando ang luha ko at nahihiya naman akong napatingin sa kanya."Pasensya na po. Ngayon ko lang po kasi ito naranasan na maging special man lang."Nagkatinginan naman sila at yumuko ang mom niya para makita ang mukha ko."Don't worry, dahil part ka na sa pamilya namin kaya anak na rin ang turing namin sa 'yo. Sa susunod magsha-shopping tayo at bibili tayo ng kahit ano. Mukhang need mo rin ng kaunting glow up, darling."Napatingin naman ako sa sarili ko. Tama nga siya dahil nerd look ako ngayon. "Pasensya na po.""Bakit ka humihingi ng tawad? Basta ako na ang bahala sa 'yo. Masaya lang ako dahil nagkaroon na ako ng babaeng anak."Hinalikan niya ang noo ko na kinalaki ng mga mata ko. "Mom, let's eat baka gutom na ang asawa ko."Uminit naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya sa akin. Asawa ko..."Okay, okay, kain na tayo. Luto ko ang lahat ng 'yan kaya mag-enjoy ka, iha."Napangiti naman ako at dahan-dahan na napatango.
Terakhir Diperbarui : 2025-09-05 Baca selengkapnya