Dorryn’s Point of View Nakarating na rin kami sa parking lot. Ramdam ko ang unti-unting pagbagal ng oras habang huminto ang sasakyan. Bumaba siya muna, at ako nama’y inabot na ang door handle para sumunod, pero bigla akong natigilan nang may narinig akong mahinang ubo mula sa gilid ko. Napalingon ako, at doon ko siya agad naabutan—si Nando, nakataas ang isang kilay, malamig ngunit puno ng tanong ang tingin sa akin. Parang sinasabi ng mata niya na may mali sa gagawin ko kung itutuloy ko pa. “Dong…” mahinang tawag ko, halos pabulong lang, parang may halong lambing at kaba. “Dito ka lumabas,” seryoso niyang sabi. Napangiwi ako at napa-pout, pero wala na akong nagawa. Sumunod ako, at sa mismong pintuan kung saan siya lumabas ay inilahad niya ang kamay niya—matatag, handang saluhin ako habang dahan-dahan akong bumababa. “Thank you, dong,” mahina kong bulong, halos natutunaw ang boses ko sa pagitan naming dalawa. Nasasanay na ako sa pagtawag sa kanya ng “dong.” Dati, pakiramdam ko ay
Terakhir Diperbarui : 2025-09-08 Baca selengkapnya