Miles' Point of ViewNapansin ko pala na may mga bagong mukha sa opisina nang tuluyan akong makabalik sa dati naming lugar.Hindi naman gaanong nagbago ang opisina mula sa huling beses na nakita ko ito. Nandoon pa rin ang mahahabang mesa na puno ng mga papel, folders, at iba't ibang dokumentong nakasalansan nang maayos sa magkabilang gilid. Naroon pa rin ang malamig na hangin mula sa air conditioner na halos walang tigil sa pag-ikot, pati na rin ang tahimik na ugong ng mga computer na ginagamit ng mga kasamahan namin.Pero kahit pamilyar ang lahat, may kakaiba pa rin.May mga taong hindi ko kilala.Noong mga panahong wala pa ako rito, apat lang kami na palaging nasa opisina.Ako, Alexander, Gio, at ang leader naming si Kyle.Apat lang.Simple ang grupo namin noon. Hindi man kami palaging nagkakasundo sa lahat ng bagay, nakasanayan na namin ang isa't isa. Kilala na namin ang ugali ng bawat isa. Alam na namin kung sino ang madaldal, kung sino ang tahimik, kung sino ang madaling mainis,
Ler mais