Umaapaw ang aking puso habang pinagmamasdan ang mag ama ko habang narito kami ngayon at magkakasama na tinatanaw ang papalubog na araw. Akala ko hindi na darating ang araw na ito, na magkakasama kami at mabubuo. Ang dami kasing nangyari at pagsubok na dumating sa amin. Mga pagsubok na akala ko ay hindi na namin malalagpasan. Ang daming hadlang sa aming pagmamahalan at mga tao na handa kaming sirain. Pero ang pagmamahalan pa rin namin ang nagwagi. Totoo nga ang kasabihan na kapag pareho kayong lumalaban ay walang imposible. Lumapit ako sa aking asawa at umabrasiyete sa braso nito, sinandal ko ang aking ulo sa matipunong bisig nito. Habang pinagmamasdan ko ang magandang araw na papalubog ay sa akin naman nakatitig ito. “Akala ko hindi na natin makikita ng magkasama ang sunset, mahal. Ang tagal mo kasing nawala eh.” “Never gonna happen, sweetheart. Lalaban ako hanggat kaya ko, sinabi ko naman sa’yo, hindi ako mawawalay sa inyo ng anak natin.” Madamdaming wika nito. “And also, ma
Terakhir Diperbarui : 2025-10-11 Baca selengkapnya